HINDI pinansin ni Chloey ang kumakatok sa unit niya ng mga oras na iyon. For sure naman na si Van lang iyon at mangungulit na umattend siya ng Halloween Party ng buong Village. Actually, nakatatlong balik na si Van sa unit niya ngunit matindi ang pagtanggi niya.
Ano naman ang gagawin niya sa party? At saka isa pa, wala siya sa mood makipag-socialize. Chloey wants to be alone again. Sinumpong na naman kasi siya ng depression at lungkot ng mga oras na iyon. She just wants to be alone at that moment. Patay ang ilaw, nakasarado ang mga bintana. She doesn't eat.
Binalot na naman ng kalunkutan ang buong pagkatao niya.
Chloey, you need to move forward. Please, help yourself.
Paalala niya sa sarili. What can she do right now? Hindi siya makahanap nang dahilan to move forward. Inisip na lang na siguro pagbigyan na lang ulit niya ang sarili niya ngayon. Baka kasi bukas may lakas ng loon na siyang tumayo na mula sa pagkakadapa.
Tinakpan ni Chloey ang mukha nang non-stop pa din ang pagkatok sa pintuan niya. Nang hindi pa din siya makatiis dahil nga naiingayan na siya ay padabog siyang tumayo para pagbuksan si Van. Makakatikim na talaga ng salita sa kanya si Van. Hindi naman porket nagkaka-usap na sila nila ay feeling close na agad sa kanya ang binata.
She wants to be alone for Pete's sake.
"What the fuck do you want?" pasigaw na bungad niya kay Van.
But to her shock, hindi si Van ang nabungaran niya. Kundi si Ysabel kasama ang isang babae na sa tingin niya ay mother nito. Alanganin na ngumiti sa kanya ang kasama ng bata at bago magsalita ito ay tinakpan muna nito ang dalawang tenga ng anak. Baka kasi may bad words pa siyang sasabihin.
"Pinapatawag ka ni Van." ani nito sa kanya.
"Mommy, diba bad words tung fuck?"
Nanlaki ang mata niya sa hiya.
"Sorry, akala ko kasi si Van." pahingi ng paumanhin niya.
Nilapitan niya si Ysabel at marahang hinaplos ang buhok nito. "I'm sorry, Ysa. You shouldn't hear that kind of word. It's bad."
"I will not accept it."
Kinalabit ng mommy nito ang bata para patigilin sa pagsasalita. "Pasensya kana sa anak ko alam mo naman ang mga bata ngayon, straight forward. By the way, I'm Eliza Buemas." ani nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.
"Chloey Ocampo. Again, pasensya na sa nasabi ko sa harap ng anak mo."
"No, it's okay. No worries, Chloe."
"You're not yet forgiven, Ate Chloey."
"Ysabel, stop it."
"Mommy, Ate Chloey looks like she hasn't taken a bath for days now."
Imbes na mainis sa sinabi ng bata ay natawa pa si Chloey. Totoo naman kasi na hindi pa siya naliligo ngayon araw.
"Do I smile bad, Ysabel?" tanong niya sa bata.
"No." lumapit si Ysabel sa kanya sabay hila sa kamay niya papasok sa loob ng unit. "I will forgive Ate Chloey Mommy if she will listen to my advice."
She chuckled. "What's your advice, sweetheart?"
"Take a bath and join us at the Halloween party. Can you not see my dress?" ani ni Ysabel sabay hawak sa magkabilang gilid ng dress nito. Ngayon lang din niya napansin na naka Rapunsel costume ang bata. "I'm a princess!"
"Sweetheart, kahit hindi ka naka dress. You're still a princess."
Saglit na nag-isip ang bata sa sinabi niya. "I know. But you need to take a bath, Ate Chloey. Baka malate na tayo sa party." ani ng bata sa kanya sabay hila sa restroom.
BINABASA MO ANG
My Dear Chloey
Romance"My Dear Chloey, This is my last letter to you. And I hope that I can totally accept the fact that you're already out of my life. That I can no longer love you even from where I am right now. I can no longer love you even in my dreams and it's brea...