Darkness and Light

11 1 0
                                    




"I messed up."

Napasubsob na lang ng mukha si Chloey sa lamesa habang sinasabi ang bagay na iyon. Nasa favorite spot sila nina Alice at Nina ng mga oras na iyon at nagpapalipas ng oras. Kakatapos lang kasi ng finals nila kaya naman feeling nila ay pagod na pagod sila dahil sa exams.

Feeling kasi ni Chloey ay hindi niya napasa ang exam nila sa isa nilang major subject. Nag-review naman siya ngunti talagang sobrang hirap lang ng final exam nila sa Accountancy.

"I-take mo na lang ulit next year." natatawang sabi sa kanya ni Nina.

Sa kanilang tatlo kasi ni Alice ay ito ang happy go lucky. Wala itong pakialam kung bumagsak ito. Sabagay, mayaman naman ang kaibigan ang pamilya nito hindi katulad nila ni Alice na need ng scholarship para makapasok sa isang kilalang University sa Metro Manila.

"Chloey, I know you." ani ni Alice. "Sa 'tin dalawa ikaw ang studious at matalino kaya makakapasa ka niyan."

"What? Kayong dalawa? So, hindi ako kasama?" ani ni Nina. "Kayo lang ba ang BFF? I'm hurt." sabi ng kaibigan na umakto pang nasasaktan.

"Gaga. Studious. Hindi review kaba?" balik tanong ni Alice sa kaibigan.

Umiling lang si Nina. "Such a waste of time."

Habang sinasabi nito iyon ay tinignan nito ang kuko nito na may manicure. "Sira na pala."

Mas may pakialam pa nga ito sa manicure kaysa sa result ng exam.

Humugot si Chloey ng malalim na hininga. Hindi pa din kasi mawala ang agam-agam niya na bagsak siya sa finals. Maya-maya ay tumunog ang cell phone niya ngunit hindi niya iyon pinansin. Nang mag ring ulit ay kinuha na niya ang phone niya. Unregistered number ang nakalagay sa screen. Dahil wala siya mood ay hindi niya tinangkang sagutin ang tawag. Mas lamang kasi ang panghihina niya ng mga oras na iyon.

Muling sinubsob ni Chloey ang mukha sa lamesa sabay padyak ng mga paa. "Bagsak ako!!"

Hinayaan lang siya ng mga kaibigan niya ginagawa niya. Ilang sandali lang ay muling tumunog ang phone niya. Dahil naka ilang missed calls na ay padabog na sinagot niya ang tawag.

"Hello?" medyo pasigaw na sagot niya. "Why are you calling me?"

Ilang sandaling hindi nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo huwag ako yung i-disturb mo?" inis na sabi pa niya sa kabilang linya.

Madali siyang mairita ng mga oras na iyon dahil nga feeling niya bagsak siya sa finals.

"It's me."

"Anong 'it's me?Pwede ba magpakilala ka?" iritableng sagot niya.

"Michael Bueno."

Pagkarinig ni Chloey ng pangalan ay awtomatikong napatayo siya. Wala siyang pakialam kung nagkandahulog yung libro niya sa lamesa.

Tinawagan siya ni Michael!

"I need to make sure na makakapasa ako sa finals. That's why I called you."

"B-bakit?" nauutal na sabi niya dito sa kabilang linya.

She heard him chuckled. Halos naririndi siya sa kabog ng puso niya ng mga oras na iyon.

Easy, Chloey. Easy!

"Can you come? I'm here near your table."

Pagkasabi ni Michael ay agad na lumingon si Chloey sa paligid. Parang tumigil ang mundo niya nang magtama ang mga mata ni Michael. Nasa di kalayuan lang ang bata at nakatayo sa puno ng mangga.

My Dear ChloeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon