Under your Name

26 1 0
                                    

"MISS, closed na kami."

Narinig ni Chloey ang sinabi sa kanya ng waitress sa isang bar kung nasaan siya ngayon ngunit nanatili pa din siyang nakasubsob sa lamesa at nakapikit. Minabuti muna niyang magpalipas ng kalasingan sa bar bago umuwi.

Isa lang iyon maliit na bar na tamang chill lang at hindi maingay. Malapit lang iyon sa apartment kung saan siya kasalukuyang nakatira.

How many days has passed since the engagement?

Thirty days? Chloey couldn't remember anymore. Pero sa thirty days na iyon ay parang katumbas na ng isang taon. She only remember the pain and the heartbreak.

Noong araw na sinundo siya ni Alice sa condo ay doon na nagsimula tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Chloey. She stayed at Alice place for almost a week then she decided to move to new apartment when can she can be alone. Iniiwas niya ang sarili niya pati sa mga kaibigan niya. Hindi alam ng mga ito kung saan ang bagong aparment niya. Alam niyang mali ngunit ginawa niya ang bagay na iyon para matulungan niya ang sarili niya to move forward.

Hindi na din pumasok si Chloey sa work niya as executive secretary ni Michael. Hindi pa niya kayang makita ang binata. Masyado pa din masakit sa kanya ang pangyayari.

Nang muli siyang kinalabit ng waitress ay nagkusa na siyang tumayo sa lamesa. Lasing siya pero kaya pa naman niyang umuwi.

Paglabas niya ng pub ay bumungad sa kanya ang malamig na hangin hamihan. Ber months na kaya ganoon kalamig ang hangin ngayon kahit sa Metro Manila.

Maya-maya ay nag-decide si Chloey na maglakad pauwi sa apartment niya na nasa loob ng isang hindi kalakihan na Village. Fifteen minutes lang naman ang layo ng pub sa tinutuluyan niya kaya naman agad siyang nakarating. Pero imbes na tumuloy siya sa aparment niya ay dinala siya ng mga paa niya sa playground at umupo sa swing.

Chloey closed her eyes.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal naka upo but suddenly she felt relaxed at the moment.

Sa loob ng thirty days marami siyang na realize sa buhay niya. Pinili niyang maging mundo ang isang lalaki na sa huli pala ay iiwan siya naka-hang sa ere kaya naman ng mawala ang mundo na iyon ay halos hindi na niya kayang huminga.

She sighed.

Hanggang kailan siya ganito kamiserable?

Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpatak ng ulan pero nanatili pa din si Chloey sa pagkaka-upo. Wala pakialam ang dalaga kung mabasa man siya ng mga oras na iyon.

Sa totoo lang, feeling niya sa bawat hakbang niya ay nasa likod lang niya si Michael. Nababaliw na ba talaga siya? Siguro nga.

Ilang sandali lang ay nag-decide na ang dalaga na tumayo sa swing at umuwi na. Pero dahil medyo lasing siya ay nakaramdam si Chloey ng pagkahilo habang umaakyat ng hagdanan kaya napakapit siya ng husto sa railings. Nasa second floor kasi ang aparment niya.

Pinili muna niyang pumikit habang paakyat ng hagdan. Maya-maya ay nasa tapat na siya ng unit niya at habang pilit na pinapasok ang susi nya sa door knob.

"Hindi talaga magbubukas yan, Miss."

Agad na dinilat ni Chloey ang mga mata niya ng marinig niya ang tinig sa likuran niya.

"That's not your apartment."

Bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki na papalapit sa kinatatayuan niya. Kahit na medyo may tama siya ang napansin pa din niya ang histura nito ng mga oras na iyon. Long hair, matangkad at maganda ang pangangatawan. Halatang alaga sa gym ang katawan nito.

My Dear ChloeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon