TRUE to her word, kinabukasan ay pinuntahan agad nila ang opisina ng kaibigan niyang si Alice. Tinaon ni Chloey na lunch time sila pumunta para makausap ang kaibigan. Hindi niya kasi sigurado kung anong oras uuwi ang kaibigan niya kaya nag decide siya na sa office na lang nito sa Makati puntahan.
"Shit! Chloe?"
Napangiti si Chloe nang marinig niya ang boses ng kaibigan. Nasa reception siya ng opisina nito at don niya ito hinintay.
Agad na niyakap siya ni Alice. "My God! What happened to you? Are you okay? I mean, saan ka nagpunta? Bakit bigla ka na lang nawala? Alam mo bang alalang-alala kami sayo? Muntik na kami mag-report sa police kung hindi lang dati sa iniwan mong note."
"Alice, calm down."
Hinawakan niya ang dalawang braso ng kaibigan. "Easy. One at the time lang."
Agad na hinampas ni Alice ang braso niya. "Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? Kami ni Nina?"
Nang mapansin ni Chloe na parang naiiyak na ang kaibigay ay siya na ulit ang yumakap dito.
"I'm so sorry, Alice. I just need to do that for my own sake. I hope you understand me."
Alice hugged her tightly. Alam niyang agad siyang napatawag ng kaibigan.
"Ang ganda mo ngayon. Bagay sayo yung new look mo."
Napangiti si Chloey. "Akala ko hindi mo napapansin eh."
"Anyway, can you call Nina? Let's have a lunch."
Tumango ang kaibigan niya. "How are you? Saan ka na ngayon nakatira?"
"Don't worry, I'll give you my full address later. And by the way, may gusto lang ako ipakilala sa inyo ni Nina."
Pagkarinig sa sinabi niya ay awtomatikong napatigil sa paglalakad ang kaibigan. "The who?"
"You'll meet him later."
Iniwan niya kasi sa isang restaurant si Van para doon na ito maghintay sa kanilang tatlo.
"Wait. Tama ba ang rinig ko? Him? As in H-I-M?"
Natawa siya. "Yes."
"Hindi naman si-"
"No, of course not."
Parang nakahinga ng maluwag ang kaibigan sa sinagot niya.
"Alam mo naman na siguro yung latest news?"
Tumango si Chloey. Alam niyang ang wedding ni Michael ang tinutukoy nito.
"Mukhang importanteng tao ang papakilala mo ha?"
Ngumiti si Chloey. "Actually, yes."
"Hindi naman siguro yan rebound love?"
"No, Alice. More than that. It's more than a rebound. He gave me peace that something that I want in this kind of situation."
Alam niyang nauunawaan ni Alice ang sinasabi niya. Habang papunta sa restaurant ay hindi sila matapos-tapos sa pagkkwentuhan ng kaibigan. Halatang na miss nila ang isa't-isa. Marami na siyang na kwento dito lalo na sa experience nilang dalawa ni Van.
Nang makarating agad sila ng kaibigan niya sa restaurant ay agad niyang hinahanap ang binata. Nang makita niya ang likuran ni Van ay hinatak niya agad ang kaibigan papunta dito. She was excited to finally meet her knight in shining armour na joker.
"Alice, I want you to meet-"
"Van?"
Agad na napatigil siya nang banggitin ni Alice ang name ni Van.
BINABASA MO ANG
My Dear Chloey
Romance"My Dear Chloey, This is my last letter to you. And I hope that I can totally accept the fact that you're already out of my life. That I can no longer love you even from where I am right now. I can no longer love you even in my dreams and it's brea...