TAHIMIK lang na umiinom ng beer si Chloey sa pub habang kaharap niya si Van sa lamesa. Hindi niya maintindihan ang sarili niya ng mga oras na iyon. Sobrang bigat ng dibdib niya na halos hindi na siya makahinga.
Pagkatapos nang conversation nila ni Michael ay halos wala na siya sa maayos na katinuan. Umiyak lang siya ng umiyak. Halo-halo ang nararamdaman niya dahil sa nalaman. Hindi rin niya lubos maunawaan kung bakit nangyari sa kanilang dalawa ni Michael ang mga bagay na iyon. Nagsimula siyang kwestyunin ang buhay na meron siya ngayon. Naging mabuti siyang tao at wala siyang kahit na sinong inapakan na iba. She was living her own life with Michael.
Nakita na lang ni Chloey ang sarili niya na nasa pub at umiinom. She just couldn't contain her emotions right now.
"Why life is unfair to me?" mapait na sinabi niya kay Van.
Napabuntong-hininga si Van sa sinabi niya. "Chloey, this is not your fault. Wala kang kasalanan sa nangyari sa inyo ni Michael. You just need to move on."
"Move on? How can I move on when I already know the reason behind our breakup?"
"Chloey, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ikaw yan. Ibang Chloey na ang kaharap ko, diba?"
Napatingin siya kay Van. Halata sa kislap ng mga mata nito ang labas na pangamba.
"I really don't know, Van." malungkot na sagot niya dito. "I just need a drink to clear my mind."
Hinawakan ni Van ang palad niya ngunit binawi din niya iyon sa binata. At that moment, she sees the pain in his eyes. But what she can do? Gulong-gulo ang isip niya ng mga oras na iyon. She's aware of her feelings for Van. He brought her joy, laughter, and wonderful memories to share.
Masyado pang maigsi ang panahon para lang masabi niya na nakalimutan niya si Michael. Eight years of being in a relationship with Michael are not easy to forget. Lalo pa't maganda ang pagsasama nila ng binata. It's nearly a perfect one.
"Chloey, hindi sagot ang alak para ma-clear ang mind mo ngayon. Let's go home." ani ni Van.
Tumayo ito at hinawakan ang braso niya para alalayan siya. Ngunit tinabig lang iyon ni Chloey.
"Leave me alone, Van."
Kita niya ang pagkairita sa mukha ni Van sa sinabi niya. "Chloey, you're asking for my help right? You're asking me to save you. Kaya dapat makipag-cooperate ka. Now, let's leave."
Nainis siya sa sinabi nito. "Hindi mo 'ko naiintindihan kaya ganyan ang sinasabi mo."
"Okay, fine. Bahala ka magkalasing ka dyan at magpaka-lungkot ka dyan."
Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya nang binata at walang lingon-likod na inalisan siya nito. Napahawak si Chloey sa noo niya. Parang gusto niyang pagsisihan ang inasal niya sa binata. Hiningi niya ang tulong nito pagkatapos ay ganoon lang ang magiging asal niya?
She sighed. Ang akala niya malayo na siya ngunit parang hindi pa pala.
Maya-maya ay naramdaman ni Chloey ang paghawak ni Van sa mga braso niya. Bumalik ang binata sa pub para sa kanya. Doon niya naramdaman ang unti-unting pag-iinit na naman ng mga mata niya. She was thankful enough for Van. Hindi siya nito iniiwan kahit na sobrang gulo ng isip niya.
"I-I'm sorry if I act this way."
Bumuntong-hininga si Van. "You need a rest not alcohol, Chloey."
Hindi naman na nakipagtalo si Chloey sa binata at sinunod na lang ang gusto nito. Habang naglalakad ay nakaalalay lang sa kanya ang binata pero hindi ito kumikibo. Nang nasa tapat na sila nang unit niya ay si Van na ang nagbukas ng pintuan. Doon siya muli nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Dear Chloey
Romance"My Dear Chloey, This is my last letter to you. And I hope that I can totally accept the fact that you're already out of my life. That I can no longer love you even from where I am right now. I can no longer love you even in my dreams and it's brea...