KASALUKUYANG nasa playground at nakaupo sa swing si Chloey ng mga oras na iyon. Sa ilang linggo na nakatira si Chloey sa village na iyon ay naging favorite spot na niya ang swin. Pagdating kasi ng 8PM ay wala ng batang naglalaro kaya malayo siyang nakakaupo sa swing.
Mas na-rerelax kasi ang isip niya kapag nandoon siya. Ilang gabi din siyang hindi nakalabas ng unit kaya naman nang maramdaman niya na na kaya na niya ay minabuti na lang niya na lumabas muna ng unit.
Mabuti naman na ang pakiramdam ni Chloey. Nagpapasalamat siya sa mga kakilala niya sa village na iyon dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito lalong lalo na si Van. Halos hindi nga siya iniiwanan ng binata.
Maya-maya ay naramdaman ni Chloey na may naglagay sa kanya ng shawl sa balikat. Paglingon niya ay nabungaran niya si Van na nakangitinsa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap, Chloey." Ani ng binata sabay haplos ng buhok niya.
"Salamat, Van."
"How's your feeling?"
Napangiti siya. "Anong feelings ba ang tinatanong mo?"
Ilang daang beses na tinatanong ng binata iyon sa kanya? Hindi na niya nabilang. Simula kasi nang hingin niya ang tulong nito noong kasagsagan ng lagnat niya ay mas naging extra careful ito sa kanya. Pero hindi pa din nawawala ang kalokohan nito.
"Lumabas na ba yung tinatagong feelings mo sakin?"
"Baliw." Natatawang sagot niya dito. "Okay na ako, Van. Wala na akong lagnat."
Imbes na umpo ito sa katabing swing na madalas nitong ginagawa ay inilahad ng binata ang kamay niya.
"Let's go."
"Where?" Ani niya sabay abot ng kamay nito.
Halos na nasanay naman na si Chloey na laging hinahawakan ni Van ang kamay niya. Nagiging normal na din na lagi silang magka holding hands.
"May surprise ako sayo, Chloey."
"Ano naman 'yun?" Curios na tanong niya.
"Later pagkarating natin ng unit mo."
Naiiling na natatawa na lang ang dalaga. Marami ng nagawa sa kanya si Van na pinapasalamat niya. Paano na lang kung hindi niya ito nakikala? Aaminin niya naging Saviour niya ang binata.
Pagdating nila sa tapat ng unit niya ay nakita niya ang sinasabi nitong surprise sa kanya. Yung sinira nitong doorknob nang nakaraang araw ay pinalitan na nito. Natatawa hinawakan niya ang smart lock na door knob na may ribbon pa.
"Anong kalokohan naman 'to?"
"Upgraded na ang door knob mo, Chloey. With finger prints and passcode pa yan." Pagmamalaking sabi pa nito. "Let's register your finger prints."
Ni-register na ni Van ang finger prints niya sa smart lock. Ilang beses din nilang nag try na buksan at isara ang pinto.
"Anong passcode?" Tanong ni Chloey.
"102488"
Kumunot ang noo niya. "What?"
"102488." Ulit ni Van na may nakakalokong ngiti. "Birthday ko."
"Ano? Bakit naman birthday mo ang nakalagay dito?" Nakapameywang na tanong niya sa binata.
"Chloey, for security purposes yan. Hindi natin pwede ilagay ang birthday mo."
"At bakit hindi? Sino ba ang may-ari ng unit?" Nanlalaking mata na tanong niya sa binata.
Natatawang hinawakan ni Van ang parehong balikay niya at inalalayan siya papunta sa loob ng unit niya.
BINABASA MO ANG
My Dear Chloey
Romance"My Dear Chloey, This is my last letter to you. And I hope that I can totally accept the fact that you're already out of my life. That I can no longer love you even from where I am right now. I can no longer love you even in my dreams and it's brea...