Glory 2

5 0 0
                                    

IBA ang pakiramdam ni Chloey ng mga oras na iyon habang nakasakay siya sa big bike kasama si Van. Para bang sa tinagal ng panahon ay ngayon lang siya nakaramdam nang ganoong klaseng excitement. Hindi naman dull ang naging buhay niya habang sila ni Michael ngunit iba kasi si Van.

Ginagawa ni Van ang mga bagay na hindi kailanman nila ginawa ni Michael.

Katulad na lang ngayon, nakasakay siya sa big bike papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan. At hindi rin siya nagtangkang magtanong. Go with the flow na lang ika nga nila.

Ilang oras na din kasi ang nakakaraan pagkatapos nilang makalabas ng express way kaya nag decide si Van na huminto sa isang convenience store. Tingin niya ay nasa La union na sila ng mga oras na iyon base na din sa nakikita niyang trademark at mga kainan.

"Goods?"

Tanong ni Van sa kanya pagkatapo nitong ilagay ang hotdogs sandwich at coke sa harapan niya.

"Ano naman naisapan mo bakit bigla mo na lang ako tinakbo?" tanong ni Chloey sa pagitan ng pag-nguya.

"Di ba ang sabi ko kay Tom abay siya kapag nakauwi tayo?"

Inirapan niya ito. "Hindi mangyayari 'yon."

"Gusto mo pustahan?"

Binato niya ng takip ng coke ang binata. Natatawang kinurot nito ang pisngi niya.

"Wala lang. Naisip ko lang bigla na ayain ka-"

"FYI, hindi mo ko inaya."

Ngumiti si Van. "Naisip ko lang bigla na tangayin ang prinsesa ko para naman makapag-relax."

"Hmp. First time ko sumakay sa big bike then sa express way pa tayo dumaan."

Nung nasa expressway siya ay todo ang yakap niya sa binata. Pakiramdam kasi niya ay anytime ay pwede silang maaksidente.

"Higpit nga nang pagkakayakap mo saken eh." ani ni Van na para bang kinikilig. "Memorable sakin tong Jacket na 'to, never ko papa-laundry." sabi pa nito habang hawak ang leather jacket.

Bago kasi sila pumasok sa express way ay nag full gear muna silang dalawa ng binata para daw safe sila sa byahe. Duda niya na planado ng binata ang lakad nilang iyon dahil mula sa ulo hanggang pangbaba niya ay naka full gear silang dalawa.

Natatawang inirapan ni Chloey ang binata. "Para ka talagang sira."

"Hindi mo ba itatanong where we going, Chloey?"

Nagkibit-balikat siya. "Nope. Surprise me."

Napangiti ang binata sa sinabi niya sabay pisil sa chin niya. "That's my girl."

After ng thirty minutes na pahinga na may kasamang pang-aasar at pangtutukso ni Van ay nag-decide na sila na magbyahe na ulit. Ang sabi ni Van sa kanya ay halos 4- hours na ride pa ang mangyayari sa kanila bago makarating sa una nilang destinasyon. May pa-ilan ilan na stop over and picture taking din silang ginawang dalawa. Halos lahat naman ng sinasabi ng binata na gawin niya ay wala na siyang reklamo.

"We're here!"

Vigan City.

Dahil first time ni Chloey na makapunta sa Vigan ay namangha siya sa lugar. Never kasi na nagtravel sila ni Michael locally. Puro internation ang travel nila ng binata, ayun nga lang hindi for leisure kundi work related. Sinasama talaga siya ni Michael dahil siya nga ang executive secretary nito. Nakakapasyal lang silang dalawa noon ng binata kapag after work na.

Doon bigla naisip ni Chloey na simula nang magtrabaho si Michael sa company ni Anthon ay halos puro work lang ang ginagawa nito. Siya naman ay okay lang din sa kanya dahil nakakasama pa din naman niya ang binata sa trabaho kaya parang inseparable silang dalawa. Ayun nga lang puro trabaho sila.

My Dear ChloeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon