1

407 5 0
                                    

1

2 years na since i worked here.

Dalawang taon na din akong hulog na hulog kay sir mcquin pero sya ayun wala paring paramdam.

Mabait nga sya sakin pero sa nagdaang taon narealize kong mabait talaga sya sa lahat nakakainis. Nagseselos ako kahit alam kong wala akong karapatan.

"Tulala ka teh?"

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa boses na galing sa likod ko. Speaking of the handsome evil hehe

Umupo sya sa tabi ko,btw nandito pala ako sa garden break kasi namin kakatapos lang ng lunch kaya pahinga muna kami tapos na din ako kumain.

"A-andito ka pala? Hindi ko alam na uuwi ka dito" sambit ko ng hindi nakatingin sa kanya kundi sa orchids nya

Bahagyang namula ang muka ko ng marinig ko ang tawa nya bago sya sumagot.

"Lagi naman andito si chichay pero bat sya kinakausap mo" natawa nyang sagot saka may inabot na paper bag

Nahihiya akong tumingin sa kanya at sa dala nya may tatak na sikat na restaurant ang paper na yun. Dinalhan nya ko ng pagkain? hindi naman ako kinikilig yieee

"Natira yan dun kaya tinake out ko nalang sayang naman baka gusto mo makatikim" nakangising sabi nya napabusangot ako dahil tira tira lang pala ang kaya nyang ibigay sakin hindi sa umaasa akong bago to pero kasi akala ko nageffort na syang ilibre ako

Kumunot lang ang noo ko nang tumawa sya ng malakas at halos makuha nya ang atensyon ng ibang maids.

"I'm kidding, i saw your favorite dish in the menu so i ordered it kasi biglang pumasok yung gutom mong muka sa isip ko" natatawa nyang dagdag kaya pabiro ko syang nahampas

Alam ng iba na close kami ni mcquin at halos mapagkamalan na nga kaming magshota sa sobrang close namin kaya minsan napapaginitan talaga ako ng grupo ni rosenda at syempre yung nanay nya. Nagbago lang yun ng lumipat na sya sa condo nya at minsan nalang sya andito dahil sa company na pinamana sa kanya ni Sir Lorcan, Daddy nya.

"T-thank you.. Ano oras ka pala dumating?" nakangiting tanong ko habang nakatingin parin sakanyang nakatingin din sakin

Kinikilig na ang pukengkeng ko mcquin ano ba!!

Hindi na nya ko hinayaang tawagin syang senyorito nung nakaraang taon dahil masyado na daw akong plastic kung tatawagin ko pa sya nun pero di ako sumusunod sa kanya kapag nasa harap kami ng ibang maids or ng parents nya sa totoo lang natatakot na kong mapalapit sakanya dahil sa nangyari dun kay aliyah baka mapaalis din ako kapag nalaman nilang may gusto ako kay mcquin.

"kaninang 4pm, Dad texted me na umuwi ako ngayon dahil day off ng private nurse nya si eloisa. Ayaw naman daw nyang iasa pa sainyo ang pagaalaga sa kanila." sambit nya saka tumingin sa naglalago na nyang orchids namulaklak na kasi ito at lumalaki na din.

Nung unang kita ko sa orchids nya ay medyo maliit pa ito ngayon malaki na parang yung daddy nya lang when kaya nya ko gagawing mommy mo? eme.

"Ang bait talaga ng daddy mo, kamusta na ba daw ang mommy mo?"
tanong ko pero parang nagsisi ako ng makita ang pagbago ng reaction nya paniguradong di pa sila ayos ng mama nya

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now