12

118 3 0
                                    

Chapter 12

Nakarating kaming condo nyang tahimik sa buong byahe dahil ayaw ko munang magsalita sakanya dun gusto ko kapag may tama na ko.

Anlayo pa talaga ng binyahe namin kaya hapon narin nang makarating kami dito sa manila.

"Dyan ka lang kukunin ko lang yung mga beer sa ref ko..ilan ba ang gusto mo?" tanong nya sakin habang nangangalkal ng ref nya

"Kahit ilan basta malasing ako.. Gusto kong magpakalasing ngayon"
mahinang sabi ko pero naring naman nya yun.

"Don't get too drunk, alex.. may work ka pa bukas" he said kaya napatango ako nang wala sa oras oo nga pala may trabaho nga pala ako bukas pero ayos lang kaya ko naman ata.

Inilapag nya ang sampong beer in can sa may mini table sa sala nya saka kumuha ng ilang chips sa may pantry nya. Binuksan ko ang isa sa beer at walang ano anong tinungga yun. Napapikit ako nang maramdaman ang unting tapang na humagod sa lalamunan ko.

Hindi uminom si mcquin pinanunuod lang nya ko parang pagsisisihan ko ngang uminom ako dahil isa palang to parang malalasing na ata ako dahil ang huling inom ko ata is yung inaya ako ni aliyah sa mansion.



Maya maya pa ay alam kong lasing na ko naubos ko na ang limang beer ng isang upuan lang habang si mcquin ay isa palang ang iniinom ang bagal nya kaya uminom.

"Hoy! Quin bat ang bait bait mo sakin?" singhal ko skanya tumingin sya sakin at nagtaas ng kilay

"I'm kind to everyone, stupid"

Humaba ang nguso ko nang marealize na mabait din pala sya kila yvanna at rosenda. That girl! nakakainis talaga sya..

"Thank you pala sa pagsama sakin dun kahit hindi naman naging maganda ang kinalabasan" nakangusong sabi ko habang nilalaro ang chips sa kamay ko

Hilong hilo na ko pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Tinignan ko si quin at napangiti ako nang makasalubong ko ang paningin nya kita sa tenga nya ang pamumula.

"It's okay, tama na yan huh matulog ka na patapos nyang panganim mo" bilin nya sakin pero umiling ako at lumabi

"No! I want to finish this all tapos ikaw naman ang isusunod ko" malanding sabi ko

I guess lasing na talaga ako ewan ko kung bakit ko yun sinabi.

"What? Crazy!"

Natatawa ako sa reaction kaya lumapit ako sa pwesto nya at umupo sa kandungan nya. Kita sa mata nya ang gulat pero mabilis yun napalitan ng madilim na awra.

"Anong crazy? Oo baliw na nga ata ako sayo eh hahaha.. Alam mo hindi ko alam kung gusto mo ba ko or gusto mo ba ko hahaha eme lang"
pangangasar ko skanya pero hindi man lang napalitan ang awra nya kaya napalunok nako at napatingin sa labi nya

Ang ganda ng mga labi nya pati ang ilong nya ang tangos yung mga mata nyang kulay gray ang mas maganda..

"Senyorito? Mukang masarap mukbangin ng labi mo pwede patikim?" pangaakit ko sakanya nang akmang ilalapit ko na ang muka ko ay bigla syang tumayo dahilan para mahulog ako

Nawala ata bigla tama ko dahil sa sakit ng balakang ko. Lintik na baklang toh! Ang sakit taena!

"Wag na wag ka ng uminom huh! Magiging demonyo pa ko sa ginagawa mo eh" inis na bulong nya saka ako inalalayang tumayo pero dahil gusto ko talaga matikman yung labi nyang parang kimchi sa pula ay sinunggaban ko sya pagkatayo nya sakin

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now