26

113 3 0
                                    

Chapter 26

Dalawang buwan na nya kong nililigawan kahit na ang sabi ko ayos na ko at sinasagot ko na sya pero sabi nya hindi pa daw yun enough for him halos wala pa nga daw syang nagagawa. Halos mapuno na nga ata ang closet ko ng mga regalo nya.

"Mc, stop it! hahahhaha tama na di na ko makahinga" hiyaw ko sakanya dahil di nya ko tinitigilan sa kakakiliti at ang magaling kong anak imbis na tulungan ako ay ang tatay ang tinulungan pareho na silang inaatake ako

Si Mcquin talaga ang target namin nung kaso mas malakas sya samin kaya nagtaksil sakin si macky at sa tatay na kumampi.

"Isa! Parehas kayong walang kiss sakin" kunwaring galit na sabi ko gulat ako nang bigla silang naging mabait napatawa ako ng malakas dahil walang duda na magtatay sila parehong adik sa kiss

Andito kami sa may garden ng bahay ni mcquin yes, hindi na ko umuwi ulit sa bahay ko tsaka binenta ko na yun. I want to spend my days and months with them. Naglatag lang kami ng blanket saka naglagay ng mga pagkain gusto daw kasi maranasan ni macky ang magpicnic kami kaya dito nalang kami sa bahay nagpicnic. Ayaw daw kasi nya ng maraming tao. Habang nalaki si macky nagiging katulad sya ng daddy nyang may pagkamaarte.

"Ay wait! I drew something earlier i wanna show it to you guys" sabi ng anak ko saka tumakbo papasok sa bahay sinabihan ko pa syang hwag syang masyadong tumakbo dahil baka madulas sya pero sadyang mana sa tatay kaya wala na kong nagawa kundi umiling

"Are you going to meet her?" he asked referring to freya nagulat nalang kasi ako nang magtext ang babaeng yun sakin she said she just want to apologize. Sa totoo lang matagal ko ng kinalimutan ang alitan naming dalawa ni Freya.

"I will, why?"

He smiled and tuck my hair behind my ear. Ganto sya magpafall kahit gustong gusto ko na talaga syang sagutin hindi pa daw enough yung nagagawa nya para sagutin ko sya pero tignan mo kung paano sya magpakilig.

"I'm happy to know na napatawad mo na lahat ng taong nanakit sayo lalo na ako" he said happily and pat my head i urgently hold it and look at his eyes.

"Hindi naman ako masamang tao para magtanim ng sama ng loob noh, di rin naman ako yayaman dun" nakangusong sabi ko saka kumuha ng banana chips para nguyain syempre hindi nga mawawala dito yang banana chips kapag may chismisan or what fav ko kasi.

"i'm so lucky to be a part of your life, I'm so lucky na ikaw ang mommy ni macky" sinserong saad nya habang nakatitig sa mga mata ko nakaramdam ako ng kakaibang feeling parang may kung ano sakin na gusto syang sunggaban ng kiss

Napalunok ako at aksidenteng napatingin sa labi nya. Kahit hindi sya nagliliptint napakapula ng labi nya ang sarap maramdaman ulit nito. Napapitlag ako nang magangat ako ng tingin sa mata nya na sa labi ko din pala sya nakatingin mas lalo tuloy lumakas ang tunog ng dibdib ko parang sasabog sa sobrang lakas.
Para akong nauubusan ng hininga nang unti unti ay lumalapit sakin ang muka nya. wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit nang may maliit na boses ang tumawag samin mabilis kong natulak palayo ang muka nya halatang nasaktan sya dahil sa ilong ko sya natamaan.. Omo i feel bad for him. Nak naman kasi biglang sumusulpot eh! Yun na moment na sana e..

"Mommy, Daddy! Look ito po"
boses ni macky na natakbo palapit samin buti nalang di nya nakita ang eksena namin kanina paniguradong awkward yun para saming dalawa.

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now