4

150 1 0
                                    

Chapter 4

Pinaliguan ni mama si Lexa dahil aalis nga kami. Dapat si lexa lang talaga ang isasama ko pero ayaw ko namang maiwan si mama dito baka bumalik yung jayson na yun.

"Aww! Dahan dahan naman"
inis na suway ko sakanya dahil dinidiinan nya yung pagpahid ng alcohol sa sugat ko sa kamay.

Dumugo kasi sya ulit dahil sa pwersahang paggamit ko kanina dahil nga sa lintik na lalaking yun. ginamot din nya ang pisngi ko nilalagyan ko ng yelo para di mamaga dahil sa sampal ni aling berlinda at nung bwesit na lalaking yun. Ang sakit kaya ng pagkasampal nya.

"Pasaway ka kasi! Yan okay na... wag mo na masyadong galawin" bilin nya sakin saka hinipan hipan ang kamay ko

Napapangiti ako sa ginagawa nya pero nabubura yun kapag nililingon nya ko. Tinigil nya yun nang lumabas na sila mama ng kwarto handa na kami sa pagalis nang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko yun napabusangot ako nang makita si Aling Mei na may dalang listahan. Umutang nanaman ba si mama dito?

"Asan ang mama mo? Due date na ng utang nya" nakataas na kilay nyang tanong pasimple ko syang inirapan at nilabas ang cp ko

"Gcash ko nalang bayaran magkano ba?" matapang na tanong ko

Tumingin muna sya sa loob saka tumingin sa listahan. Naramdaman ko si mcquin sa likod ko kaya nilingon ko sya at tumingin sya sakin na nagtatanong.

"Ay gwapo-"

Napabaling ako kay Aling Mei. Napapikit ako sa inis dahil halatang si mcquin lang ang pinunta nya dito. Paniguradong sasabihin nanaman nya sa anak nyang inggitera ang tungkol sa amo ko. Hindi sya pwede sa iba, sakin na sya-

"I told you! gagawin ko kayong mayaman, maging akin lang ang ate mo"

Yiee kinikilig nanaman ako.

"So? Magkano ang utang ni mama?"
pagtaray ko sa kanya kaya sya nataranta na parang naghahanap ng pangalan ni mama na matagal ng wala sa listahan nya.

Tumawa sya ng peke saka nagsalita.

"Ayy okay na pala nakapagbayad na pala sya.. sige pasensya na"
pekeng tawa nya saka kumaripas ng alis habang ako ay napabuntong hininga nalang

"Let's go?"

Tumango nalang ako at pinanuod syang kumuha ng tatlong libo sa wallet mabilis kong kinuha ang isang libo na kinataka nya..

"Isang libo lang pwede na sa mga yun, tsaka for sure 1k lang din naintindihan nila sa sinabi mo" wlang gana kong sambit saka naglakad palabas kasunod naman namin sila mama ilo-lock pa kasi nya yung bahay kaya nahuhuli talaga sila

"Sasakay tayo sa kotse, ate?"
excited na tanong ni lexa pero di ko alam kung sadya nyang pinaparinig sa mga tao dito na sasakay sya sa kotse

Baliw talaga ang batang toh!

Tinanguan ko sya saka sinenyasan na wag maingay sabay turo kay mcquin. Mabilis syang tumango at nanahimik.

Nang makita kami ng grupo ni Caloy ay parang mga asong excited pakainin ng amo. Nakikita ko ang nagkukumahog na mga buntot nila nung nakita kami. Inabot ko sa kanila ang one thousand at parang mga tangang naguunahan sabay takbo paalis.. See 1k lang ang naintindihan nila dun. Mga gwapo nga kulang naman sa moral.

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now