10

131 4 0
                                    

Chapter 10

Nakangiti si Adam habang nakatayo parin sa harap ko pero ako ay nanlalaki pa din ang mata dahil hindi ko aasahan na pupunta sya dito.

Sya yung kaibigan ko nung naghighschool ako at sobrang close kami dati kahit ngayon padin naman kaso busy na masyado ang isang to dahil may trabaho na. Napagiwanan na ko pero ayos lang dahil nagkakapera naman ako dito.

"Miss me?"

Napakurap ako sa tanong nya pero mabilis din akong lumapit sakanya sabay yakap ramdam ko ang pagkabigla nya pero nakabawi naman agad at niyakap nya din ako pabalik.

"I miss you" malambing na sabi nya saka mas hinigpitan ang pagkayakap sakin

Normal lang samin ang maging ganto kadikit, kasweet sa isa't isa dahil simula grade 7 kami ay magkaklase na kami nung grade 10 lang kami hindi naging magkaklase dahil napunta sya sa star section matalino kasi sya e.

"Namiss din kita Adam"
mahinang sabi ko saka bumitaw sakanya nakangiti naman nyang inabot sakin ang bulaklak na bigay nya

"Pasok ka muna?"
alok ko sakanya saka sya ginuide papasok sa mansion nakikita ko pa ang reaction ng ibang maids habang nakatingin samin may nakangiti may nakasimangot din syempre.

"This house is big"
he commented habang naglalakad kami papasok napangiti ako skanya saka nagumpisang magsalita

"Oo malaki talaga toh pero marami naman silang maids kaya madali lang din linisin"

Tumango lang sya saka nagmasid masid sa paligid tinignan ko sya nang mapahinto sya sa paglalakad taka kong sinundan ang tinitigan nya at halos mabulunan ako nang makita si mcquin na topless habang nasa terrace nya at nakatingin samin este sakin. Nakatingin sya sakin ng seryoso habang may hawak na dyaryo naka rolyo yun at hinahampas hampas nya sa palad nya yun habang nakatingin sakin.

Napalunok ako at nagbigay galang nalang saka hinila papasok si adam. Kita sa mata ni adam ang pagkaseryoso nya habang naglalakad kami papasok may iniisip ba syang masama?

"Ayos kalang?"
tanong ko skanya nang makaupo na kami sa may sofa sa may living room he looked at me with his serious eyes saka nagsalita

"Your boss is a boy?"
nakataas ang kilay nyang tanong kaya naguluhan ako dahil bakit ganun ang reaction nya

"Ammm..Anak sya ng amo ko pero bakla sya" bulong ko skanya halata sakanya ang pagkabigla pero bumalik yun sa seryosong muka at pinitik ang noo ko napahawak ako dun dahil sa kunting kirot

"Sino niloko mo? Walang bakla ang may ganung kagandang katawan tsaka hindi yun lalabas ng teresa ng nakatopless kung bakla yun! Tas yung tingin pa nya para nya kong ililibing ng buhay" sermon nya napairap ako dahil sa OA nyang explanation

Ililibing ko na to ng buhay sa kaoa-yan nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Paano ka nga ba napunta dito?"

"Your mom told me"
he answered saka muling sumeryoso sakin kaya medyo nailang ako kaya muli nalang akong nagtanong para iwas ilang na din

"M-may gusto ka bang kainin or inumin?"

"No, I'm good"

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now