17

110 2 0
                                    

Chapter 17

Pasukan nanaman.

Sobrang hirap ng sem namin ngayon dahil puro kami projects,thesis and plates...

Nakauwi na rin si mcquin kahapon at nagdate nga kami sa The Venice at Intramuros. Sobrang sarap pag weekends kasi nakakapagdate kami kaso pasukan naman kinabukasan pero atleast masaya akong pumapasok bumisita din sila aliyah sa bahay syempre naginom ng kunti at tulog na dahil may pasok pa. Masaya akong makitang happy na si aliyah kasama si Gio at ang mga anak nila..Nagulat talaga ako nang makita syang dumating kasama ang kambal nilang anak kamukang kamuka ni gio. Pag nabuntis ba ko magiging kamuka din ni mcquin? Nakakatuwa naman kaso pinagpills nya kasi ako dahil nagaaral pa daw ako ayaw nya muna kaming magbaby.

Nagtataka nga ko sa mga tingin sakin ni aliyah nun para syang naawa sakin ng walang dahilan? Nakwekwela talaga ako sakanya.
Maayos narin ang loob ng magkapatid sa magulang nila dahil nanghingi na ito ng patawad at masaya ako na napatawad narin ni mcquin ang sarili nya pero may panibago ata syang problema ngayon dahil kahit sakin ay nabubunton nya iyon. And i can say na hindi sya healthy para sa relasyon namin.

"Alex! Here Yohooo" natatawang tawag ni Pearl sakin kaya inirapan ko sya ng pabiro lakad takbo ang ginawa ko nang may bumunggo sakin napalingon ako biglang naglaho ang ngiti ko nang makilala kung sino yun..Si Freya.

Simula nang malaman nyang kaibigan ko na si Pearl ay iniwasan na nya ko at sinimulan na nya kong siraan sa mga ibang studyante kesyo pineperahan ko lang si mcquin na kesyo anak ako sa labas... Na hiniwalayan ni papa si mama dahil may ibang lalaki ito.

"Haharang harang kasi" inis na sabi nya saka ako iniwan napayuko ako at naglakad nalang papunta sa gawi nila luigi

Nginitian ako ni Pearl at Luigi pagkarating ko sakanila. "Ayos lang yan..ano tara kain tayo?" masiglang yaya ni Pearl natawa kami ni luigi kasi para syang bata sa sobrang ligalig

Natanggal kasi dito sa campus yung prof na nangrarape sakanya. Marami na din pala itong naganun buti nalang may mga nagsalita na kaya natanggalan ito ng lisensya. Ngayon nakikita ko na ang totoong Pearl napakabait pala nyang tao at masiyahin. Nawala lang yun nung nagaral sya dito dahil sa mga issues at pambababoy sakanya.

Tumungo kami sa cafeteria at bumili ng sandwiches nagkwekwentuhan kami about sa gagawin namin after college syempre pare-pareho kami ng sagot

"Tambay"

Nagtatawanan lang kami hanggang sa magbell na naging seryoso na ulit kami sa room. May quiz kami ngayon at buti nalang nakapagreview ako kundi zero talaga ako.

Nagchechekan na nang tumayo si freya at lumapit sa prof namin at may binulong nagulat ako nang saakin ang atensyon nilang dalawa.

"Miss Santiago? Come over here"
malumanay na utos ng prof namin lumingon pa ko kila luigi na nagtataka din kung bakit ako pinatawag

Nakasalubong ko pa si freya at narinig ko ang binulong nya.

"You deserve it,bitch"

Napalunok ako nang makalapit na ko skanya yung maamo nyang muka ay biglang naging masungit. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil hindi ko naman alam ang mali ko bakit ako andito?

"Quiz nalang to nandadaya ka pa? Ano hindi nakapagreview kaya kukunin nalang ang answer sheet sa office ko?" masungit na sabi nya saka may pinakitang picture sakin  ako yun na papasok sa office niya matagal na yun kaibigan ko pa si freya nyan pero kasi ganyang ganyan ang ayos ko ngayon kaya di mo talaga masasabing matagal na

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now