18

137 4 0
                                    

chapter 18

Pagpasok ko sa condo halos puno ng lata ng beer mga balat ng chips at mga damit na hindi ko alam kung kanino.

Here we go again, Alex.

Binaba ko ang bag ko sa sofa at nagumpisang linisin ang living room nang may narinig akong boses sa kwarto ni mcquin.

"Call me anytime,Quin"
boses ng malanding babae yun huh

Nakaramdam ako ng kaba habang dahan dahang naglalakad papunta sa kwarto nya habang nagdarasal na sana mali ako ng iniisip ngayon.

Bago pa ko makatungo dun ay may lumabas na magandang babae sa kwarto na nakangiti pero napalitan yun ng gulat nang makita ako sa harap nya pero wala akong magawa dahil hindi gumagalaw ang paa ko.

I knew it. Sya yung girl na nakita ko before yung humalik kay mcquin.

"E-excuse me"
mabilis nyang sabi saka tumakbo palabas ng pintuan habol tingin nalang ang nagawa mo

Napalingon ako sa pinto ng kwarto  ni mcquin nang magsalita sya.

"Buhay ka pa pala?"
sarcastic na sabi nya saka tumingin sakin mula ulo hanggang paa

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa oras na toh galit na nasasaktan ako.. He's not going to do that, right?

"O-oo naman pero ano yun? S-sino yun?" galit kong sambit habang nakaturo sa pinto kung saan dumaan ang babae kanina

Kumamot sya sa kilay saka tumingin sakin ng nakataas ang kilay

"Ayun ba? Si Hazel yun"
walang ganang sagot nya saka lumapit sakin at akmang hahalik ng sinampal ko sya

"Gago ka ba? Si Hazel yun? Hazel?"
galit na sigaw ko sakanya pero parang wala lang sakanya ang galit ko dahil nagawa pa nyang tumawa

"Bakit nagagalit ka? Ginawa mo rin to kila Luigi diba?" sarkastikong sambit nya saka ako nilagpasan para pumuntang sala

Sinundan ko sya at pinanuod na maupo sa sofa at magsindi ng sigarilyo.

"Anong sabi mo?" garalgal na tanong ko habang nakatingin sakanya ng masama

Nag ihip buga muna sya sa sigarilyo nya tsaka sya nagsalita

"Sabi ko ikaw may karapatan lumandi ako wala? Ano nga ba ginawa nyo magdamag sa bahay nila?" naiinis na nyang tanong habang magkasalubong ang kilay

Nanlaki at naginit ang sulok ng mata ko sa sinabi nya dahil never kong inexpect na paghihinalaan nya ko ng sobra.

"Nagaral lang kami dun kasama ko din si Pearl, ano bang sinasabi mo dyan?" naluluhang sagot ko sakanya pero ngumisi lang sya at naglakad palapit sakin, nagulat ako ng kunin nya ang nga libro ko at binato yun sa likod ko dahilan para mapapikit ako sa takot

This isn't the first time na nagalit sya pero kinakabahan parin ako sa magiging emosyon nya.

"Nagaral? Buong magdamag kang nagaral ng alin, alex? sinabi sakin ni freya na wala na kayong ibang project kundi yung last na ginawa mo at tinulungan pa kita dun. At bakit lagi mong kasama yung Pearl na yun diba si freya ang kaibigan mo? Sige sabihin mo sakin kung anong klaseng lesson ang inaral nyo sa bahay ng gagong yun at saang parte ng bahay nila kayo nagaral?" galit na bulyaw nya sa harap ko

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now