14

99 3 0
                                    

Chapter 14

Gising na si Lexa at masigla na ulit at wala naman daw syang kakaibang sakit sabi ng doktor. Natrigger lang daw ang asthma nya siguro nang mabigla sya sa nangyaring panloloob ng tatay nya.

"Ate, uuwi na ba tayo? Natatakot kasi ako sa bahay" sabi nya habang nakain kami ngayon na kasi ang discharge nya since okay naman na daw sya

"Gusto mo ba sa bahay muna ni ate sheila ka matulog?" tanong ko at nilagay ang hinimay kong manok sa plato nya umorder kasi si mcquin ng jollibee kahit nasa work sya ngayon

"Baka kunin ako ni papa, sainyo nalang kaya ako tumira?" she said

"Hindi naman ako nakatira sa condo nya, sa mansion parin ako kasi may trabaho pa ko dun" natatawang sabi ko dahilan para mapanguso si lexa nakita ko naman ang pagiling ni mama

"Hindi ko naman hahayaang makuha ka ng papa mo"

Napatitig ako kay mama dahil sakin sya nakatingin parang saming dalawa nya pinaparating. Gusto ko syang hagkan dahil dalawang lalaki na ang dumating sakanya pareho lang din itong nawala sa buhay nya.

"Hindi naman sya sasama kung kukunin sya" nakangiting sabi ko habang nakatitig kay mama napangiti siya at yinakap kami ni lexa

Hinding hindi ako sasama sa tatay ko at siguradong ganun din si lexa. Hinding hindi namin ipagpapalit sa lalaki ang mama namin.



Lumipas pa ang maraming buwan na naging maayos ang lahat nakapagaral na si Lexa si mama naman nagpumilit na magtrabaho sa may plaza para daw di nalang sya aasa ng aasa sakin which is okay lang naman sakin kung sakin sya aasa dahil kaya ko naman pagsabayin ang pagtratrabaho at pagaaral.

Hindi na din ako nalalate sa pagsusubmit dahil mas pinili ni mcquin na maging personal maid nalang nya ko so kapag wala sya dito wala din akong work nakakapagreview at nakakapasok ako sa tamang oras. Yung mga magulang pala ni mcquin ay andito kaya medyo ilang ako kapag nakikita ko sila na nasa sala kakaiba kasi ang tingin sakin ni mr. Puentabella parang sinusuri ako.

Naging maayos din ang relasyon namin ni mcquin minsan nalang kami magaway dahil mas naging busy sya ngayon sa trabaho kaya minsan hindi na sya nakakauwi dito para puntahan ako pero ayos lang dahil naiintindihan ko sya.

Andito ulit si giselle buti nalang at saktong mamaya pang hapon ang pasok ko dalawang sub lang namin ngayon kaya nakakatuwa dahil makakalaro ko si giselle ng ilang oras.

"Ate, Uuwi ba si tito kwin ngayon?" tanong ni giselle habang nagdradrawing sya sa may bond paper gamit ang color pen

Napabuntong hininga ako saka hinawakan ang buhok nya. Kung anak ka talaga ni Andrius malas ka din sa tatay dahil pareho ng ugali ang tatay nating dalawa. Pamangkin kita kung nagkataon.

"Busy sya sa work pero nagsabi sya sakin na uuwi daw sya dahil may paguusapan kami"

Tumango lang saka pinakita ang drawing nya gusto kong maluha dahil apat na tao yun.

"Sino sino yan?"

She smiled. "This is Mommy,Me,Daddy Gio and my real daddy pero wala pa syang face kasi hindi ko pa naman sya kilala" sabi nya saka muling nilapag sa lamesa ang papel

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now