7

123 4 0
                                    

Chapter 7

Last day na ni giselle dito pero hindi ko padin makalimutan yung natuklasan ko hindi ko alam kung sasabihin ko ba kila senyorito gio dahil baka nagkakamali lang ako baka magkamuka lang talaga sila.

Naglaro kami ni giselle buong maghapon kasi tuwing andito siya hindi ako naglilinis ng bahay tanging gawa ko lang ang alagaan si giselle at pakainin sya. Maglilimang araw ko na ding di ko nakakausap si mcquin dahil hindi naman sya nagpaparamdam sakin may number naman ako ni mcquin kaso nahihiya naman akong tawagan or itext sya kasi baka maistorbo ko sya. Yung gabing tumawag naman si Andrius ay hindi ko din nalaman yung intensyon nya dahil aksidente kong napindot yung end call nung narealize kong baka si andrius nga ang ama ni giselle.

"thank you for taking care of her"
sambit ni eloisa na nakapang nurse parin siguro ay kakauwi lang niya galing sa hospital

"Ayos lang po hindi naman po mahirap alagaan si giselle dahil mabait naman po sya" nakangiting sambit ko habang nakatingin kay giselle na nakangiti sakin habang hawak ang mga barbie dolls nya

"we're leaving, say goodbye to her,honey" utos nya kay giselle na mabilis namang sinunod ng bata at nilapitan ako saka niyakap

"Byebye, ate alex"

Niyakap ko din sya ng mabilis saka humiwalay. Pinantayan ko si eloisa saka tumingin sakanya sinusubukan kong magtanong kaso nahihiya ako baka sungitan lang nya ko. Gusto ko lang din kasi makatulog ng maayos ngayon kaya kahit mahirap itatanong ko nalang.

"Uh-uhmm.. Senyorita p-pwede po ba akong magtanong sainyo?" utal kong tanong

Kumunot naman ang noo na lalong nagpakaba sakin.

"Go ahead"

Tinignan ko si giselle para ipahiwatig na private ang paguusapan namin. She leaned towards giselle and she says something to her. Tinitigan ko nalang si giselle nung pumunta sya sa may sofa at naglaro ng barbie nya. Napangiti ako pero nabura din yun nang tumikhim si eloisa.

Bumalik na naman ang kaba ko dahil sa tingin nya sakin. Lumunok muna ako bago nagtanong

"Ahmm..N-nahanap nyo na po ba yung daddy ni giselle?" mahinang tanong ko na tama lang para marinig nya her facial expression changed na mas nagpakaba sakin.. I can't understand kung anong expression ba ang ginagawa nya.

"why do you ask? I haven't seen him yet because I don't know who he is" seryosong sabi nya saka umirap sakin pero alam kong may lungkot sa mata nya nung sabihin nya yun

"A-ahh wala naman po, naikwento lang po kasi ni giselle sakin kanina na sana hindi nalang po ninyo mahanap ang daddy nya.."
sagot ko saka yumuko at pumikit ng mariin.. sorry giselle wlaa akong choice kundi sabihin yun sa mama mo.

"I met her dad at the bar, i was drunk that night.Hindi ko na alam kung sino sino na ang nilalandi ko nagising nalang ako na nasa hotel ako magisa...why am I explaining to you? you're just a maid, giselle let's go home" mataray na sabi nya saka hinila ang kamay ni giselle palabas ng mansion

Naiwan akong nakayuko dahil nasaktan ako sa sinabi nya which is true naman bat nga ba nya kailangang magkwento sa katulad kong maid lang? Nonsense...

"I like her, i bet nasaktan ka sa sinabi nya totoo naman kasi diba? alex bobita?" sarcastic na sabi ni rosenda habang nakacross arm

Umirap ako sa sobrang inis buti nalang talaga nakatalikod ako skanya kaya hindi nya ko nakikita. Humarap ako sakanya pero di ko parin sya tinataasan ng ulo.

"Maglilinis na ko ng banyo, maiwan na kita" sambit ko at akmang aalis na nang hawakan nya ng madiin ang braso ko dahilanan para masaktan ako

Napaigik ako nang hilahin nya ko pabalik sa harapan nya. Kita sa muka nya ang pagkaasar sa ginawa kong pagalis sakanya.

"Kinakausap pa kita, alam mo nakakainis ka na talaga. Bakit nga ba kinuha ka pa ni mama? Masyadong sipsip sa mga amo natin, malandi ka din" gigil nyang sabi saka mas diniin ang paghawak sa braso ko na halos bumaon na ang kuko nya

"N-nasasaktan ako, rosenda"

Ngumisi lang sya saka tinaasan ako ng kilay.

"Alam ko, kaya kung ayaw mong maranasan ulit toh tigilan mo na kakalandi kay senyorito.. wag ka namang gumaya sa nanay mo na malandi din ata" nakangising sambit nya pero ako sumeryoso na ang muka dahil sa narinig sakanya.

Nakita nya ang pagbago ng mood ko kaya parang natuwa pa sya at winagayway ang braso ko habang nakadiin parin ang mga kuko nya dahilan para lalong sumakit.

"Bakit? Naiinis ka dahil nasabihan kong malandi ang nanay mo? Bakit hindi ba? Nabalitaan kong lumandi daw ang nanay mo sa iba kaya naghiwalay sila ng papa m-" hindi na nya natuloy ang sasabihin ng sampalin ko sya gamit ang isang palad ko

Idamay mo na lahat wag lang ang nanay ko at ang kapatid ko.

"Okay lang kung lalait-laitin mo mo ako pero pati nanay ko ay dinamay mo! Sobrang tagal ko ng nagtitiis sa ganyang ugali mo kaya wag mo ng sobrahan pa dahil hindi mo magugustuhan kapag sumabog ako" gigil na gigil kong sabi sakanya saka padabog kong hinatak ang braso ko mula sakanya napaigik ako ng kumiskis ang kuko nya sa braso ko dahilan para magka-scratch ito.

Humakbang na ko paalis nang hablutin nya ang buhok ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumaban sa kanya.

"Aray! Ano ba! Bitawan moko!"
hiyaw ko skanya habang hawak hawak din ang buhok nya

"Ang kapal talaga ng muka mo! Let go of my hair" galit na singhal ni rosenda sabay diin ng pagkasabunot sakin na ginatihan ko naman masakit na ang anit ko dahil sa sabunot nya.

Nakakalmot ko na rin sya sa muka sa sobrang gigil ko nang marinig ko ang ibang maids na inaawat kami pero wala kaming pakealam.

"Tama na kayo! Alex tigil na!"
hiyaw no yvanna na takot lumapit samin

"Tumigil na kayo!"

"Ano ba kayo! S-senyorito"

Gusto ko na tumigil dahil sa narinig ko pero hinahamon kasi ako ng babaeng to e.. Mas hinihila nya kasi ang buhok ko kaya gumaganti ako nang may kamay na humawak sa bewang ko at pilit kaming pinaghiwalay. Galit na galit ang itsura ko nang makita si rosenda na nakatingin din sakin habang may kalmot sa muka gawa ng pagkalmot ko kanina. Sobrang gulo na din ng buhok ko saka masakit din ang braso kong may kalmot.

"Sya ang nauna, sinampal nya ko!"
igit nya sa nanay nya habang nakahawak sa pisngi

"Hindi kita sasampalin kung hindi mo binastos ang nanay ko!" gigil ma gigil kong sabi sakanya nang magsalita ang taong pumigil sakin

"Stop it,Jade!"

Nanlalaki ang mata ko dahil ang akala kong humahawak sakin ay guard at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil ngayon ko lang din naamoy ang pabango nya. Dahan dahan ko syang nilingon at dun ko nakita ang expression nyang galit at pagaalala. 

M-mcquin?

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now