2

220 6 0
                                    

Chapter 2

Kinagabihan ay naatasan akong maghatid ng pagkain sa office ni mcquin dahil dito nya gusto magstay ngayon. And i don't know the reason. Hindi naman nya gustong sumabay sa magulang nya kaya no choice kundi ang dalhan sya ng foods.

Paakyat palang ako nang marinig ko si rosenda na tinawag ako kaya pasimple akong tumaray bago sya nilingon. Alam kong galit sya sakin dahil mas pinapansin ako ni mcquin kesa sakanya at alam ko ding may gusto sya dito.

"Ako na ang maghahatid nyan linisan mo nalang ang banyo dun sa may kusina" sambit nya at akmang kukunin sakin ang tray ng iiwas ko yun

"Ako ang inutusang maghatid ng pagkain nya saka baka magalit sakin si aling berlinda kapag pinasa ko sayo ang gawain ko" mahinahon kong saad habang sa loob loob ko ay gusto ko ng isalaksak sakanya ang tray na hawak ko

Pinapakita kong mahina ako dito sa loob ng mansion kahit alam kong kaya ko namang patulan si rosenda pero kailangan ko kasi ang trabahong to para sa pamilya ko.

"Nagsabi na ko kay mama at pumayag na sya kaya akin na toh" maarteng sabi nya saka muling kinuha ang tray sakin at sa sobrang lakas ng pagkahatak nya ay natapon ang sabaw at natapon sakanya

"Awww! Ang init! Ano ba!"
hiyaw nya kasabay ng pagbagsak ng tray sa sahig na lumikha ng ingay

Nanlaki ang mata ko dahil sa basag na plato at mangkok. Mabilis akong lumuhod at nilinis ang mga basag. Naiiyak ako dahil paniguradong sakin isisisi ni rosenda ang lahat 

"Ano ang nangyari? Oh god bat nabasag yan?" bulyaw ni aling berlinda saka nagmamadaling lumapit sa pwesto namin

At natahimik lahat ng biglang umiyak si rosenda. Napalingon ako skanya kaya di ko nakitang may nakaabang pala na matulis na basag na plato sa kamay ko kaya napaigik ako sa sakit ng mahiwa ang balat ko.

"Ang init ma, sinadya nyang ibuhos sakin ang sabaw nung sinabi kong ako na ang maghahatid nung pagkain kay senyorito" pagsisinungaling nya habang hawak ko ang kamay ko ay tumayo ako para harapin si aling berlinda

"H-hindi ko po sinasadya, bigla po nya kasing hinata-" natigilan ako ng sampalin ako ni aling berlinda ni hindi na ko nakalingon sa kanya dahil sa sakit.

"Sinungaling, simula ng magtrabaho ka dito ay sipsip ka na sa senyorito.. nilandi mo nga sya kaya ikaw ang inatasan nyang magdala ng pagkain nya. Dahil sa ginawa mo ay hindi na ikaw ang uutusan kong magdala ng pagkain ng senyorito kapag nauwi sya dito at ikaw na rin ang papalit kay rosenda sa banyo tuwing gabi" malamig na sabi nya saka ako tinulak bago nya hinila ang anak nya na nagiinarte parin

"Masakit? Lagyan natin ng yelo yan" alo ni aling berlinda sa anak

Naluluha akong nakatingin sa kamay kong nadugo padin nang may humawak nun at nilapit sa muka nya. Pumatak ang luha ko ng matitigan ko sya sa muka. Ikaw ang rason kung bakit nangyari toh bakit kasi andaming may gusto sayo?

"What happened? And your hand is bleeding bakit di mo parin hinuhugasan" sabi nya habang nakasalubong ang mga kilay nya saka ako hinila papuntang kusina

Habang ako tulala lang na hinahayaan syang hilahin ako papuntang faucet. Hinugasan nya ang kamay ko saka kinuha ang medkit sa taas ng shelf.

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now