8

128 4 0
                                    

Chapter 8

Nakaupo kaming apat sa living room katabi ko si rosenda tas sa gilid naman nya si aling berlinda si mcquin naman ay nakaupo sa single couch sa may harap namin nakacross arm sya at taimtim na nakatitig samin. Napapalunok nalang ako kapag dumadaan ang titig nya sakin.

"Sino ang nauna sainyo?"
seryosong tanong ni mcquin habang nakatingin sakin

"Sya po ang nauna senyorito"
pangunguna ni rosenda habang nakaturo sakin napayuko nalang ako dahil tama naman sya ako ang unang nanampal pero nilait nya kasi ang nanay ko kaya ko nagawa yun

"I didn't ask you, jade sino ang nauna sainyong dalawa?" ulit na tanong nya habang nakatingin sakin
ramdam ko ang pagkapahiya ni rosenda sa part na yun at gusto ko syang pagtawanan pero hindi ko magawa dahil sa titig ng lalaking kaharap namin

"Ako po talaga ang nauna"

Kita sa mata nya ang gulat na agad ding nawala at napalitan ng pagsalubong ng kilay. Galit na ba sya? Baka tanggalan nya ko ng work

"Why did you slap her?"

Napatitig ako skanya at kita sa mata nya ang pagaantay. Tumingin muna ako kay rosenda nang bigla syang umirap kaya napatikhim ako.

"N-nilait nya kasi ang nanay ko"
mahinang sagot ko saka yumuko dahil baka lalo akong matakot sa titig niya

May saysay naman ang rason ko diba? Kahit sya gagawin yun kapag nilait ang magulang nya.

"Bakit naman lalaitin ng anak ko ang nanay mo?" sarcastic na tanong ni aling Berlinda na parang natatawa pa sa ginawa ng anak nya

"Bakit nga ba nilait ng anak mo ang nanay ni jade?" balik na tanong ni mcquin kay aling berlinda na nagulat sa inasta ni mcquin

"S-senyorito?"

Masungit ang muka ni mcquin nang magangat ako ng tingin nakila aling berlinda ang mata nya kaya napapagmasdan ko sya. Nasa side ko ba sya? Kinikilig naman ako hehe

"I don't like repeating my word, aling berlinda" malamig na sabi nya saka sumandal sa kinauupuan

Wahh bat ang hot nya tignan ngayon? Alex ikalma mo petchay mo nyeta ka!

"H-hindi naman po magagawa ng anak ko yun s-senyorito.. B-baka po gumagawa lang sya ng excuse para di maparusahan" mabait na sambit ni aling berlinda saka siniko ang anak napaangat naman ng tingin si rosenda saka tumingin kay mcquin

"H-hindi ko po nilait ang nanay nya, K-kinakausap ko lang po sya nung bigla nya kong sinampal" pabebeng sagot nya napapikit nalang ako para pigilan ang sarili na sampalin sya ng paulit ulit

So sinungaling pa ko? Magnanay nga kayo pareho kayong sinungaling!

"I don't want this to happen again, understand?" maawtoridad nyang bilin saka tumingin sakin
mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin

"And you, come to my office"
seryosong sabi nya saka naunang umalis nagmamadali naman akong sumunod rinig ko pa ang pagtsk ni rosenda pero hinayaan ko nalang

PAGPASOK ko sa office ni mcquin naabutan ko syang nakaupo sa swivel chair nya habang nakatitig sakin ng mahinahon. Naiilang ako kaya inikot ko nalang ang mata ko sa buong office nya kahit alam ko na kasulok-sulokan nito wag ko lang masalubong ang tingin nya sakin. Mas nahuhulog ako kapag nakikita ang mata nyang nagaalala para sakin.

"How your scalp? Does it hurt?"
mahinahon nyang tanong

Napatingin tuloy ang mata ko sakanya bat maman kasi ang lamyos ng pagkakatanong nya?

"H-hindi naman gaano... hindi namn sya marunong m-manambunot" sambit ko nang nakangiti or nakangiwi ewan basta pinilit ko sarili kong pasiglahin ang tono ko

"Panget mo gumanap...patingin nga ko" sarcastic nyang sabi saka lumapit sakin at kinapa ang ulo ko kung may bukol ba sa pagkakasabunot habang ako nakatitig lang sakanya at parang mamamatay na sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko... baliw na ko sa lalaking to-

"Alam kong gwapo ako pero wag mo naman masyadong pagkatitigan ang muka ko baka mabura yan" nakangiting sabi nya saka sinalubong ang titig ko

Napaatras ako nang magring ang phone nya saka tumalikod sa gawi nya dahil pakiramdam ko sasabog na ang pisngi ko sa sobrang init. Paniguradong nakita nya yung pagkapula ng pisngi ko.

"Hello?....Yeah?....Really? That's nice... I'll go there later" yun lang ang narinig ko at kasunod nun ang pagtunog ng end call

"Alam kong nagsasabi ka ng totoo pero hanga ako sayo na nagawa mo ng ipagtanggol ang sarili mo sa kanya" sambit nya sa likuran ko hindi ko kayang humarap dahil ramdam ko padin ang pamumula ng pisngi ko

"S-si nanay ang pinagtanggol ko"

Rinig ko ang hakbang nya papunta sa side ko kaya napapikit nalang ako ng madiin dahil bumibilis nanaman ang tibok ng dibdib ko

"I want to stay longer pero may urgent meeting kami e, pumunta lang ako dito para sana makita ka pero ibang eksena ang nakita ko" sambit nya saka naglakad palabas ng biglang bumukas ang bibig ko at nagtanong sakanya

"B-babalik ka ba ulit?"
napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat hinarap nya ko ng nakangisi at nakataas ang isang kilay na parang natuwa sa sinabi ko

"Miss me already? Hindi pa nga ko nakakaalis haha... Babalik ako dahil baka mamiss moko" sarkastikong sambit nya sabay kindat bago ako iwan

Mcquin...Mcquin...Mcquin..
grabe ka talaga magpakilig tagos hanggang buto.

Naiwan ako sa office nyang nakangiti inikot ko ulit ang mata ko sa office nya nang mapansin ang susi ng kotse nya sa may desk mabilis kong kinuha yun at agad na lumabas para sana ihabol ang susi.

Nakita ko sya sa may garahe kaya mabilis akong naglakad patungo dun nang mapansing napahinto sya kaya huminto din ako akala ko narealize na nyang naiwan nya ang susi nya pero nagkamali ako dahil nakatingin sya ngayon sa isang tao na kilala ko. Unti unti akong lumapit hanggang sa makita ko ang muka ni mcquin na seryosong nakatitig kay andrius,Oo si andrius lang naman ang nasa harap ni mcquin ewan ko bakit nasasaktan ako sa eksena ngayon..

Mahal parin ba ni mcquin ang step brother ko? bat parang may something? pero alam kong hindi bakla ang step brother ko. Posibleng anak nga nya si giselle e.

==================================

A/N: Easy lang kayo baka may magreklamo agad HAHAHA

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now