3

180 4 0
                                    

Chapter 3

Nakaready na ko nang bumaba si mcquin na nakaayos na rin. Sobrang gwapo nya sa suot nyang cargo short at white tshirt naka white crocs din sya. Napakasimple nya talaga.

"Let's go?"

Natauhan ako saka mabilis na tumango. Mabilis akong sumunod sakanya sa labas nakahanda na kasi ang sasakyan nya. Mas okay na rin toh kesa magcommute gastos pa.

"Kamusta pala ang relasyon nyo nung step brother mo?" biglang tanong nya habang nagmamaneho

Tinignan ko sya pero parang wala lang sa kanyang tinanong yun ibang iba. Dati para syang masaya kapag si Andrius ang pinaguusapan namin.
ngayon parang wala lang. hindi na ba si Andrius ang gusto nya?

"Ganun pa din, sinusuyo nya parin ako" walang sigla kong sagot saka bumuntong hininga at tumingin nalang sa bintana

"Try to talk to him, i think he's not that bad" seryosong sabi nya saka saglit na tumingin sakin
bago ibalik sa kalsada ang tingin

Try to talk to him? Para san pa?

Hindi nalang ako sumagot at natulog nalang may ways naman sya kaya hindi kami maliligaw tsaka hinahatid naman nya ko dati pero hanggang kanto lang sya. 

"Ihinto mo muna dyan, bibili lang ako ng pasalubong" sambit ko nang makita ang tindahan ng pizza favorite kasi ng bunso kong kapatid yun.

Bumili ako ng 1 box na ham & cheese pizza. Nadaanan din namin ang bakery kaya bumili na ko ng softdrinks sa amin nalang ako bibili ng ice tube.

"you really love your sister"
sambit nya nang umandar ulit ang sasakyan napangiti ako nang maalala ang kapatid ko. Mahal ko talaga yung batang yun.

"Oo naman, dalawa na nga lang kami aayawan ko pa ba sya?" natatawang tanong ko saka bumaling skanya at napahinto ako nang makita ang gwapo nyang ngiti

"You're a good sister and daughter" he said while smiling pero di sya nakatingin sakin
kaya malaya akong ngumiti habang nakatingin sakanya

Nakarating kami ng maayos at nang bumaba kami ay ang daming mata ang nakatingin saamin. Isa na dun si Aling Tery ang chismosa sa baranggay namin kasama nya ang kanyang mga alipores. Si Ate Solly at Aling Mei. Nakatingin sila ngayon samin na parang kinikilala kami nang kay mcquin sila nakatingin ay kuryos na kuryos sila pero nang dumapo na ang paningin nila sakin ay halos manlaki ang mga mata nila.

"Saan ba ang bahay nyo dito?"
tanong sakin ni mcquin na nagpalingon sakin

Tinignan ko muna ang paligid at nakita ko sila Caloy na nakatambay sa gilid kaya nilapitan ko sila.

"Pabantay ako ng sasakyan, bigyan ko kayo pang-yosi" bilin ko sakanila nang magsalita ang isa sa kasama nya si Edong bungal

"Pang-yosi lang? pano naman akong iwas sa sigarilyo?" reklamo nya akmang babarahin ko sya nang magsalita si mcquin sa gilid ko

"I'll give you one thousand each later" seryosong sabi nya saka ako hinila palayo narinig ko pa ang apiran ng tatlo

Napapikit nalang ako sa inis pero okay narin yun para siguradong babantayan talaga nila yung sasakyan. Marami din kasing siraulo dito kaya delikado ang mga magagandang sasakyan dito. Lalo na sasakyan nya ay Ford.

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now