5

139 2 0
                                    

Chapter 5

Nakaayos na ang foam sa sahig dahil dun ako matutulog habang si mcquin naman sa may kama. Nung una pinagpipilitan pa nyang gusto nya dito sa baba pero nung sinabi kong mamamatay ang ilaw mamaya at sobrang dilim dito sa sahig ay hindi na sya umangal pa.. kapag kasi namatay na yung solar light ko ay lalabas yung kulay ng mga glow in dark stars ko sa kisame..

Hindi pa din natigil ang pagkulog kaya todo takip ako ng tenga kapag may malakas na thunder kasi may takot ako dyan simula bata palang ako takot na talaga ako sa kulog.
Tulog na si mcquin kaya natatakot akong makagawa ng ingay. Natext ko pa si yvanna na nastranded kami ni mcquin dito bago mawalan ng signal. palowbat narin ang phone ko.

Pinilit kong makatulog pero hindi ko talaga kaya dahil sa kulog. Naiiyak na ko nang may bumuhat sakin habang nakabalot ako ng kumot. Nang mailapag nya ko sa kama ay mabilis akong nagtanggal ng takip sa muka at bumungad sakin ang nagaalalang muka ni mcquin habang nakatitig sakin.

"Takot ka sa kidlat?"

Nahihiyang tumango ako saka yumuko nang magsalita sya ulit

"You can sleep beside me, i promise i'm not going to do anything bad" mabilis nyang sabi saka nagharang ng unan sa gitna namin saka nahiga patalikod sakin

Wala ka ngang gagawin pero ako meron...eme.

"T-thanks"

Nahiga na rin ako patalikod nang magtanong sya.

"Where did you get that phobia of yours?" seryosong tanong nya tuminghaya muna ako bago sumagot

"Nung bata kasi ako nasaksihan ko ang pagtama ng kidlat sa puno ng mangga habang naliligo ako, kaya hindi na ulit ako naliligo ng ulan kapag may malalakas na thunder"
paliwanag ko kita ko sa peripheral vision ko ang pagtango tango nya.

"I got these phobia when i was 8 years old... Nung nabubuhay pa kasi ang lolo ko ay hilig nya kong ikulong sa loob ng cabinet kapag may nagagawa akong kasalanan. Naranasan kong makulong dun ng 8 hours dahil inatake na pala sa puso ang lolo ko.. ang daddy ko na ang naglabas sakin dun nang marinig nya ang iyak ko dahil takot na takot na ko nun.. Ni hindi ko nga alam na inatake na pala ang lolo ko.. Kaya natatakot na ulit akong makulong sa dilim dahil kapag nasa dilim ako hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.. Hindi ko kayang magligtas ng mga taong mahahalaga sakin kapag nasa dilim ako.. kagaya nalang nung umalis ako sa mansion at paguwi ko ay may ganun na palang nangyayari" seryosong sabi nya saka ako nilingon hindi ko na napigilang lingunin sya

"Thank you for listening to all of my rants" simpleng sabi nya saka humarap sakin habang ako hindi gumagalaw sa pwesto

Bigla syang dumungaw sakin at hinalikan ang noo ko. Literal na nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Mabilis syang tumalikod sakin at iniwan akong tulala sa likod nya.

He kissed me in the forehead... omg!

Nakatulog ako sa sobrang kilig at nagising ako dahil sa bigat ng kung ano sa bewang ko hindi ako makahinga ang higpit ng pagkakahawak sakin.

Nang hawakan ko iyon ay braso lang pal-braso? Napamulat ako nang makita ang braso ni mcquin sa bewang ko.. asan na yung unan na nakaharang? bat nakapatong na ang hita ko sa hita nya at bakit nakayakap na sya sakin sa bewang?

Gay Series #2 : Fall For Me  [COMPLETED]Where stories live. Discover now