Entry #3

270 29 14
                                    

NGEK!

Dear Future Girlfriend,

Kanina sa waiting area, nakatayo lang ako sa isang tabi habang may isang babae ang nakaupo sa isang tabi nasa magkabilang gilid kami. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

First impression ko sa kanya na ang ganda niya, kahit nakatalikod, likod pa lang kasi maganda na e. Sa kabila ng pagtitig ko sa kanya ay biglang umulan kaya umupo na lang din ako sa upuan at medyo gumitna dahil naaanggihan ako sa malakas na ulan.

Naramdaman kong parang may tumabi sakin at dumusog din pala siya, kinabahan ako bigla. Sa isip isip ko ikaw na kaya siya?

Mula sa pagkakayuko ay unti unti kong inaangat ang ulo ko para makita ka este siya. Laking gulat ko at napaatras pa.

Nakangiti kasi siya sakin, at putcha lang kasi sinasabi ko pa kanina na baka ikaw na siya, pero NGEK lang talaga binabawi ko na. Para niya akong lalamunin sa ngiti niya at ang sagwa pa niya tingnan sa itsura niya.

Bungi bungi at may bulok bulok pa ang ngipin niya sa likod ng matamis este malawitch niyang ngiti, nangungurirat ang mata na nakatitig sa akin at sinabing...

Siya: Hi Pogi (sabay puppy eyes)

Pakshet lang MFG(my future girlfriend)! BAKLA PALA SIYA.

Lalapitan pa niya sana ako kasoo....

At kapag sinuswerte ka nga naman ay mayroon ng jeep ang huminto sa harap namin kumaripas ako agad papuntang jeep para makalayo agad sa baklang yun. Kinilabutan akong bigla.

Tsk! Akala ko pa naman nakita na kita. Hay nako., geez!

Love,
GL

P.S nakakabadtrip!

Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon