CONTINUEATION...Dear Future Girlfriend,
Matapos kaming magperform, syempre nagpakilala lahat ng nangangamdidato, at naiirita ako sa mga escorts. Tsss. Hindi ako na-iinggit!
Akala mo kasi sila kung sinong mapakagwapo at may pakindat kindat pa. Kinikilig naman ang mga girls. Tapos si JC nakita ko siyang nagblush nung kinamayan ni Jero. Feeling gwapo naman ampupu.
Sa inis ko di ko namalayan nakatitig pala ako sa inyo ng matalim pano kasi makikipagkamay lang yung Jero na yun kelangan pa talagang napakatagal pagdating sayo? Tsura niya! Ako lang dapat kamayan mo ng ganon.
Gabby: Oy pre, sama ng tingin natin diyan ah!
Ako: (no comment)
Gabby: Sabi ko nga di na kita iistorbohin e. Hehehe. Goodluck na lang satin Mr.Vice! (sabay tapik sa balikat ko)
Aba putcha! Nang aasar ba ito?! -______-
Ako: (no comment pa din at tinignan na din siya ng masama)
Gabby: Eto na nga pre aalis na hehe.
Ako: (Napafacepalm na lang.) Tss.
Bakit nga ba ako nababadtrip hindi naman ikaw si JC diba future girlfriend?
-----
Mga vice na daw ngayon ang makikipag kamay kaya eto nakikipagshake hands ako para lamang sabihing VOTE GAB LAWRENCE GUTIERREZ for VICE GOVERNOR. Sabay pekeng ngiti at shakehands ng malupet!
Nung kay JC na ako makikipagkamay! Grabe ang lambot ng kamay. Tss. Erase erase.
Ako: Vote! Gab Lawren---
Anne (kaibigan ni JC): Nakoo! Di na kailangan niyan iboboto ka niyan, ni JC hahaha.
JC: (tumingin kay Anne)
Anne: Ah hahaha sige kamayan mo na baka nga di ka iboto niyan. Hahaha.
Ako: (no comment pero nakangiti pa din dahil gawain yun ng isang gwapong nilalang gaya ko ;), at umalis na ako. )
Pagka alis ko may biglang tumili at isinigaw ang pangalan ko, sabay hila na din sa akin! Ano ba problema neto? Hirap talaga maging gwapo!
MFG, kiss mo nga ako sa harap nila ng malaman nilang sayo lang ako.
Love,
GL
===============================
A/N: Hello kay luckyZero salamat sa patuloy na pagbasa, pagvote at support sa story na ito sana nagustuhan mo yung update? HahahaXD. Salamat talaga ng marami, ikaw ang unang unang fan ng story na ito hahaha. Sorry na galak na galak lang. Kamsa ^______^
VOTE> COMMENT> FOLLOW> AND BE A FAN ;)
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...