Entry #21

89 9 9
                                    

Dear Future Girlfriend,

Litong lito akong umuwi ng bahay, hindi ko alam paanong nangyari ang lahat ng ito ngayon.

Parang kailan lang na hinahanap hanap kita, pero totoo bang nakita na kita matagal na? Pero bakit hindi ko maalala?

Wala kong maalala ni isang alaala nating dalawa. Wala naman akong amnesia, hindi naman ako naaksidente. Wala talaga. Wala talaga akong girlfriend.

Pero bakit sinasabi ni Crishia na siya ang girlfriend ko? PAANO?

Paanong nangyaring girlfriend ko siya, samantalang ngayon ko lang naman siya nakilala.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, oo MFG nakauwi na ako sa bahay. Sinundo ako ni Bespar at Harry. Ang dalawang ugok ay kasabwat pala ni Crishia. Leshe naniwala naman silang girlfriend ko yun. E samantalang wala naman akong sikreto sa kanila, lahat na yata nasabi ko na.

May pa-operation operation pa silang nalalaman na ibalik ang alaala ko e wala naman nga akong amnesia. Nakakaloko na!

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Nakatingin lang ako sa bintana habang lumilipad lipad ang kurtina dahil sa lakas ng hangin sa labas. Parang uulan pa yata.

Gulong gulo ang isip ko. Nakakapagod na, wala talaga akong maalala girlfriend ko siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para i-text si Harry at Bespar. Pero may bigla akong naalala. Mukhang malalaman ko na ang sagot sa tanong ko.

Kumaripas ako ng takbo paalis ng kwarto ko upang bumaba at hanapin si Mama. Sana alam niya ang sagot sa lahat ng katungang gumugulo sa isip ko.

Love,
Gab

P.S Lintek! May thesis pa nga pala kami kay Ms. Fhanty Lie Near

P.P.S ang sagwa ng pangalan?

P.P.P.S. sana dumating ka na MFG </3







Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon