Dear Future Girlfriend,
Lakas talaga ng saltik nung Gunggong na Harold na yun. Aba sabi kong pakidelete na lang yung online diary ko sa cellphone niya, e imbis na i-delete ay binasa pa. Putek naman oh! Bat ba kasi di ko nadelete don?
Hindi ko kasi dala ang cp ko kahapon kaya naki online muna ako sa cp niya para makapag-lagay ng new entry ang kaso putek lang talaga lahat ng kadramahan nabasa na. Buti na lang at may pang blockmail ako sa kanya. Hahaha.
Tama, single pa din ang mokong na yun at sobrang katorpehan, ibubuking ko talaga siya pag hindi niya dinelete yon. Sensya na future girlfriend pinoprotektahan ko lang ang personal na diary ko na 'to. Para kong timang na sulat ng sulat dito. At may kakornihan pang dear future girlfriend, tsss. Pero trip ko e bakit ba?
Alam mo may nakita akong babae kanina, ikaw na ba yun MFG? Maganda siya at morena, mabait at di tulad ng iba, sana makilala ko siya. Na-love at first sight na yata ako? Pero.... ikaw na nga kaya siya? O malandi lang 'tong aking mga mata.
Ang tagal ko ng naghihintay.. pero willing naman ako lalo na kung ikaw naman ang aking hinihintay ;)
Love,
GLP.S Gwapo 'tong Future Boyfriend mo. Future Husband na din :).
P.P.S oyyy kinikilig hahahaha.
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...