Dear Future Girlfriend,
Pagka alis ko may biglang tumili at isinigaw ang pangalan ko, sabay hila na din sa akin! Ano ba problema neto? Hirap talaga maging gwapo!
Siya: Bespar!
Ako: (No comment, nagulat, humarap)
Siya: Wag mong sabihing di mo kilala ang absinera mong bespren?
Ako: (No comment pa din)
Sa isip ko sino kaya yung babaeng ito? Maganda siya at isa pa hindi binabae si bespar! Nilalake yun e? Anyare?
Siya: Bespar, uy bespar! (Sabi niya at kumakaway kaway sa mukha ko.)
Shet na mainet na pakbet na may magnet! Natulala na pala ako. Sorry MFG di pa nga tayo nagkakasala na ako. TT^TT
Ako: Ah sorry sorry.
Siya: Tulala ka? Hahaha ako 'to bespar. Si Shaine. (Sabi niya at ngumiti pa.)
Ako: (nagulat, nashock, nahilo, nabuwal chos!)
Siya: Aysus di makapaniwala? Ako nga 'to pinaayusan lang ako ni mommy!
Ako: Weh? Ikaw si Bespar? Gago, nilalake yun di binabae!
Siya:(napangiti at binatukan ako) Tarantado ka pala talaga e. Ayaw mo maniwala? Sige! Ganto na lang.
Ako: (nagtaka, nagkamot ng ulo)
Siya:(Hinawakan ang braso ko sabay palipit)
Ako:(nasaktan, umiyak, pumogi) aray putspa! Aray, aray! Tama naaa oo ikaw na nga ya-- aray.
Siya: (natawa at binitiwan ako) Yun lang pala kailangan mo bespar e. (Sabay tapik sa braso ko.)
Pakshet ang lakas bumakat yata yung kamay ng babaeng 'to.
Ako: Aray naman bespar. Nagmukhang babae ka nga pero kung makatapik ka naman dinaig mo pa may pinakamalaking kamay. -____-
Siya: Anong sabi mo?
Ako: (natakot mapalipitan ng kamay ulit) wala wala sabi ko ang ganda mo, hehe!
Siya: Good!... ahm... by the way, kakilala mo na si Anzel?
Ako: Huh? Hanzel? Yung tinapay?
Siya: (binatukan ako.) Hindi yun tanga!
Ako: E sino?
Siya: (luminga linga sa paligid,) O ayan na pala e.
Ako: SIYA?
Nagulat ako sa aking nakita, siya si Anzel? Mygowdnes MFG!
Love,
GLP.S ang sakit ng braso ko huhuhu TT^TT
P.P.S di bale na mas lalo daw pumopogi kapag nasasaktan! LOL
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...