Entry #25

70 0 0
                                    

Dear Future Girlfriend,

Nandito ako sa cafeteria, pebrero na ngunit wala ka pa. Pero teka feeling ko lang talaga e nakilala na kita. Gulong gulo kasi ang damdamin ko simula noong makita na kita.

Umupo ako sa isang tabi wala na naman kase yung mga tropa kong bwiset. Hayon kasabay daw kasi nilang kumain yung mga babae nila. Kala mo namang napakaloyal ng mga gago. Nakakabadtrip lang kasi lagi nila akong iniiwan sa ere. Pwera na lang siguro sa kaharap ko ngayon na Hopeless pa din sa Bespar ko.

Harry: [Lumapit sa akin at umupo sa katapat na upuan]Oy pare, nag iisa ka na naman diyang kumag ka? [Sabay kindat pa ng gago habang nakapanumbaba sa harapan ko]

Ako: [Nagfacepalm na lang sa nakita] syempre buhay single at gwapo kaya ganon. [Saka ako nagpogi sign]

Harry: [Matalim akong tinignan] ang hangin mo pare.

Ako: Tss.

Harry: [Nagseryoso bigla ang mukha] Alam ko Gab may dinaramdam ka diyan. Bakit hindi mo sabihin sakin? [Sabay tingin sa likod ko]

Sino naman kayang tinitignan ng loko na 'to? Tumingin din ako sa aking likuran at nakita ko ang isang misteryosang babae na nakaupo sa aking likuran. Kaunti na lang ang agwat dahil nakaupo siya sa kabilang upuan.

Ako: [Tumungin ulit kay Harry] Ano naman ang sasabihin ko? [Kunyari ay hindi ko alam at saka ako kumagat sa burger na binili ko]

Harry: [Nagkamot ng kanyang batok] Wag mo ng itago, natatakot ka ba kase? Torpe mo talaga, hahaha.

Aba at pinagtawanan pa ako ng bahog!

Ako: [Nainis, nag-isip, napaamin] oo na sige sige.

Harry: [Napatayo ang bugok at napalakas pa ang bunganga] tsk, sabi na pare e may gusto ka kay A--

Ako: [Biglang tumayo at pinasak sa bibig niya ang hawak kong burger] manahimik ka nga, tss.

Malungkot ako na naupo, sayang kasi yung burger MFG. Ang sarap pa naman napakain ko ng hindi oras sa bwiset na Harry na yon.

Harry: [Kinain yung burger, halatang sarap na sarap pa ang hanep] So pare, crush mo nga si Althea? [Bulong niya sa akin habang nakalapit ang mukha]

Ako: [Nakalapag sa lamesa ang magkabilang braso habang tinitignan ang burger kong nilalantakan niya] Sino si Althea? [Tanong ko ng may halong pagtataka]

Harry: [Naubo]

Inabutan ko naman siya MFG at baka mapagbintangan pa akong killer sa gwapo kong ito kapag nabilaukan siya at mahimatay.

Harry: [Lumagok ng tubig] Haha, pambihira naman Gab. Ade yung nasa likod mo. Yung babaeng lagi mong tinititigan kahit malayo. Akala mo hindi ko nakikita yon?

Ako: [umaliwalas ang mukha] paano mong nalaman ang pangalan niya?

Harry: [Ngumunguya ng burger pero nagsalita pa rin kahit puno na ang bunganga] E ngase nahil tsa betpar mo!

Ako: [Napangiwi na lang sa itsura ni Harry] lumunok ka nga muna hanep ka. Hindi ko naman gusto yung babaeng sinasabi mo.

Harry: [Natawa kaya nabuluhan, umuubo ubong kinuha ang bote na may lamang mineral at agad itong nilagok]

Ako: Ayan sige, pakamatay ka ng gago ka.

Harry: [naginhawahan matapos uminom]

Ako: Ano buhay ka pa ba? Hahaha.

Harry: [Napailing habang nakangisi] Oo ah, wag mo kase kong pinaglololoko. Alam kong gusto mo siya. Ramdam kita pare, heaven ba? Hahaha.

Ako:[Binatukan siya] sige sasabihin ko na. Hindi ko kasi alam kung gusto ko na nga ba siya.

Harry: [nagmake face] Gago, halata kaya hahaha.

Ako: Kontrabida ka e, makinig ka na lang. Una kasi hindi ko naman siya kilala, bigla ko na lang siyang nakita sa corridor at napako ang tingin ko sa kanya. Parang nabuhayan ako ng loob na tila ba naghiwaga ang paligid nung makita ko siya. Hindi ko alam bigla na lang akong kinabahan non. Simula noon, lagi ko siyang hinahanap hanap at tinitignan. Hindi ko nga alam kung bakit e pero..

Napatigil naman ako sa pagsasalita dahil tumayo siya na para bang nagmamadali ang bugok.

Ako: [nagtataka] Hoy abno saan ka pupunta?

Harry: [Hawak ang tiyan niya at hinihimas himas pa] sa CR boy baket sasama ka ba? Taeng tae na ako.

Ako: Ano ba naman yan Harry tuwing mag eemote ako lagi ka na lang taeng tae gago ka. Hindi ako sasama ayokong makaamoy ng utas na daga hanep ka.

Harry: Gago ka boy may tae ba kaseng mabango ha? [Saka nagmadaling tumakbo palabas ng Cafeteria]

Kahit kelan talaga yong si Harry. Nakakapanghilab ba kasi ng tiyan ang buhay pag-ibig ko?

Napailing na lang ako at nasabing... Althea pala ang pangalan niya. MFG, Althea nga ba ang pangalan mo?

Nakakaramdam na umiibig,

GL

P.S. ano ba itong nararamdaman ko?

P.P.S. Ikaw na nga kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon