Entry #22

48 2 4
                                    

Dear Future Girlfriend,

Sa kabila ng mga pag-uusig sa aking paglalakbay. Aking natagpuan na ang tunay na kaligayahan.
Bagay na siyang ngayon ko lamang naramdaman.
Ito ba'y pag-ibig na o kalokohan lamang.

Sa bawat pagsulyap ko'y sumisigaw ang damdamin.
Para bang nahanap ko na ang bulaklak na para sa'kin.
Kay sarap sa pakiramdam para bang hinahaplos ako ng hangin.
Kasabay ng pagkaway ng mga dahon sa bakuran namin.

Bespar: Pffft, HOY LALAKI! KANINA KA PA NAKATAYO  SA BAKURAN NIYO PARA KANG TANGA. (Tatawa tawa at nakakarindi niyang sigaw)

Ako: (Napadilat, nagising sa reyalidad) Wala kang pake.

Bespar: (Lumapit sakin at saka ko hinila) tara na late na tayo, leshe ka halos 20 mins ka nang mukhang tanga don. May papikit pikit at ngiti ka pang nalalaman.

Ako: (Hindi kumibo, sumunod na lamang sa kanya sa paglalakad)

Bespar: Hoy! (Sabay kaway niya sa harapan ko) parang iba ka ngayon ah. (Sabi niya at huminto sa harapan ko, napahinto din ako) INLOVE KA NO? (Nakangisi niyang tanong)

Ako: (Napaisip, inlove na nga ba ako? )

Bespar: (binatukan ako ng left and right, kaliwa kanan, back and front, harap ng likod)

Ako: Hi-hindi no! (Napasigaw ako sa umalis sa harapan niya)

Grabe MFG, iba na talaga ang nararamdaman ko ngayon. Parang lagi na lang akong nawawala sa sarili (e nasan ka? Yung katawan mo umiihi pero yung sarili mo tumatae?) Lesheng konsensya naman oh. Sumingit pa!

Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko MFG. Kaya naman sumabay na lang ako sa paglalakad kay Bespar hanggang sa makarating kami ng eskwelahan.

Maski ako ay naninibago sa aking mga kinikilos ngayon. Hindi na ako katulad ng dati. Parang nag mature na ako ng konti ngayon.

Iniingatan ko na ang bawat galaw ko, at iniisip ang mga sasabihin at gagawin ko. Nagiging palaayos na din ako at inaabot ako ng halos kalahating oras na yata sa harapan ng salamin.

Nagpapagwapo ba ako? E gwapo naman na ako ah? (Ang hangin! Woooo.)

Sige, MFG alam kong waley ang mga pinagsusulat ko ngayon.

Anzel: FAFA GGGGGGGGG (nakita kong may papalapit na kabayo sa akin este bakla na mukhang dinasour kaya napaatras ako sa pagpasok ng pintuan at naisara ko ang pinto)

Narinig ko naman ang malakas na pagkalabog ng pinto, sa bintana nakita ko namang nagtawanan ang mga kaklase ko.

Paktay! Baka lalo ng kumapal ang nguso ng hanep ng bakla.

Tumalikod na ako at napagdesisyunan na mamaya na lang pumasok, nakayuko akong naglalakad sa hallway habang hawak ang cellphone ko.

Naramdaman kong may makkasalubong ako kaya iniangat ko ang ulo ko at ako'y napahinto. Heto na naman ang natutuliro kong puso.

Nagmamahal na nga ba,
ANG GWAPONG GWAPONG SI GL

P.S. Ang puso ko, ang puso ko. Este ang cellphone ko, ang cellphone ko ay nahulog log log log log log log log.

P.P.S naloloko na yata ako. Huhuhu ang cellphone ko nabasag -_-

Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon