Dear Future Girlfriend,
Hi babes hahaha sorry na ang corny ko. Siya nga pala nagpraktis kami kanina ay este tayo pala dahil kagroup kita. Ang aga kong dumating pero 11 sharp pa pala sila pupunta. Badtrip buti na lang at may kasabay ako, yung gagong Harold nga lang.
Nung dumating kami, dalawa ang kagrupo nating nandon, yung dalawang sweet couple naiinggit ako. Oo naiinggit bat naman ako magseselos e ikaw ang gusto ko at hindi naman ang babaeng yon.
Maya maya pa, dumating ka kasama mo ang kaibigan mo, buti na lang at hindi ka mag-isa kahit na kakalipat mo lang sa school. Nagulat pa nga ako nung makita kita, akala ko kasi hindi ka pa dumadating kaya nung una hindi kita nakita.
Nakatawa ka habang naglalakad, ang ganda ng mga ngiti mo. Pagkalapit niyo agad kayong sumilong din sa puno kung saan kami nandoon. Wala kasing ibang sisilungan lalo pa't ngayong malakas ang ulan. Iaabot ko sana sayo ang payong ko kaso nakita kong may dala ka pala. Mabuti yan para hindi ka magkasakit :).
Nung humina na ang ulan, nagumpisa na tayong magpraktis. Naiilang ako sayo, e kasi naman ikaw pala yung isang kasabayan ko sa stanzang na assign sakin pwera sa past crush ko.
May action tayo na madalas nadadanggil ng kamay ko ang kamay mo. Ang lapit kasi natin, pwede naman sanang lumayo ako pero hindi pwede nakagitna kaya ako.
Hindi na natiis ang ulan kaya pumunta tayo sa bahay ng isa sa ating mga kaklase at doon tayo nagpraktis. Ang sabi nila wala daw break at magpapraktis lang pero mas madaming oras ang ginugol nila sa pagkain. How nice diba? Nakita kong kumakain ka din naman kaya okay yan.
Nung uwian na nauna kayo sa paglalakad, oo na aamin na ako sa maghapong pagpapraktis, pero pagpapraktis nga ba? Okay seryoso na haha. Sa maghapong yon, aaminin ko na hindi nawawala ang pasulyap sulyap ko sayo. Hindi ko naman kasi mapigilan e.
Siya nga pala alam ko na ang pangalan mo. Ikaw pala si Jeane Crizel. Ang ganda ng pangalan pero mas maganda ka, teka may kulang pa pala. Ano nga palang apelyido mo? Di bale na magiging Gutierrez din naman yan e. ;)
Love,
GAB LAWRENCE GUTIERREZ YOUR SOON TO BE BOYFRIEND AND HUSBAND XD.P.S Pag naging tayo hindi mo na ako ipagpapalit pa, aba sa gwapo ko ba naman na'to choosy ka pa ba?
P.P.S mahangin na naman, pagbigyan na babes. :)
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...