Entry #20

85 15 10
                                    

Dear Future Girlfriend,

It's Monday again! Maaga na naman akong nagising ngayon.

At leshe, mas matindi pa sa imburnal ang amoy ng banyo ko.

Kasi naman 'yang Harry Perry na 'yan. Este Harry Wendell Francisco talaga ang pangalan niyan.

Kung bakit Harry Perry ang tawag ko sa kanya? Wala lang kasi gusto ko lang, aangal ka? Echos. E kasi magkarhyme lang pero hindi niya kamukha si Katy Perry.

Dito pa nga nakitulog ang mokong at kinukulit ako sa letse niyang tanong na "Sino daw ang girlfriend ko."

E wala naman akong nililigawan. Hindi pa kasi kita nahahanap.

Kanina sa eskwela. Narinig at naamoy ko na naman ang bunganga ng dalmatian na bakla. Biruin mo monday na monday. Mas masahol pa ata sa amoy ng banyo ko kanina.

Shaket sa ilong men! Napaka-praktikal.

Naimbyerna ako sa pagalog alog at pangungulit sa akin ng Anzel na yun?

Aba't isayaw ko daw siya sa party. Wow ha, wow. Baka hindi pa ako nakakahawak sa beywang niya. Matumba na ako dahil sa hininga niya.

At mukhang may pulgas pa yata sa ulo ang bakla!

At oo MFG meron kaming party sa darating na October 30. Isang linggo mula ngayon.

Abot langit naman ang ngiti ng lahat ng marinig iyon. At tumingin sa akin ang ilang babae sa room.

Ano ipinararating nila ngayon? Pagkakataon na para gahasain nila ako?

Oh Lord, wag niyo po akong pababayaan sa araw na iyon. TT^TT.


Bakit ba naman kasi ang hirap maging gwapo ah.

Nakita ko na naman siya kaninang panay ang tingin sa akin. Hindi ko talaga mabasa ang utak ng babaeng yon e.

Mukhang masama ang plano sa akin nito ah? XD.

Usap usapan na din sa school na meron daw akong gerlpren.

Ang kukulit ng nga nagtatanong. Takte! Sinabi ng wala ayaw maniniwala.

MFG naman kasi, dumating ka na para magkatotoo na ang chismis nila.

At para naman sa babaeng nagpakalat daw na girlfriend ko siya. Makikilala din kita kung sino ka man. Pero bakit ba ikinakalat mo na girlfriend kita kahit hindi naman.

Kung nasang lumalop ka man. Wag ako ang pagtripan mo dude.

Mashket ang ulo dahil sa mga pangyayari,

GL

P.S. Problemado pero gwapings pa din.

P.P.S. Sino kayang isasayaw ko sa party? :/

============

A/N: Short entry lang. Ayan na nalalapit na ang pasabog. Huwoooo! Happy New Year Guys :).

ZNeverQuitDrawing







Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon