Dear Future Girlfriend,
Badtrip ako kanina sa business english na subject namen, heto na naman po kami sa PRONUNCIATION na yan! Woah grabe, masi-zero lang ako dito. Ay este KAMI pala dahil by group ito.
Kahapon diba may nabanggit ako sa entry ko na may nakita akong babae? *0* Magka group kami sa speech choir na yan. Grabe MFG ikaw na ba siya? Sabi na nga ba at maliit ka lang kaya hindi kita makita, de biro lang baka magtampo ka sa akin e. *puppy eyes*
Kaso nabadtrip ako ulet ibang stanza ang naka assign sa kanya kaya di kami magkasabay na magsasalita. And one more thing, kagrupo ko pa yung past crush ko na may crush din sa akin DATI! At ang masama pa, siya yung kasabay ko sa stanza na na assign sa akin.
Bakit hindi na lang ikaw? Teka ano nga ba ang pangalan mo? Tsk! Kainis nakalimutan ko kakatransfer mo lang naman kasi ngayon. Buti nga at magkaklase tayo, at tumatanggap pa ang school namen ng transferee kahit july na? Epic ba? Siguro di nakatanggi sa kagandahang taglay mo. Oyieee, kilig kilig XD.
Nung pagpasok mo pa lang kasi natulala na ako, biglang nag slow mo di ko narinig ang pagsambit mo ng magandang pangalan mo. Sayang! Bukas itatanong ko ;)
Love,
GLP.S mapapasakin ka din hintay ka lang :D
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...