Third Person's POV
"Ano ba GL?" Naiiritang sabi ni Crisha.
"Ano rin ba Crisha." Nakangiwing sabi naman ni GL.
"Ewan ko sayo tarantado!" Naiinis na sabi ni Crisha at nakatayo na ng diretso.
"Oh? E bakit ba kasi naiirita ka?" Nakangising sabi ni GL.
"E pano tinira mo ko kagabi."diretsang sabi ni Crisha at saka isinuot ang heels niyang 6 inches lang naman.
"Lasing na kasi ako non." Sagot naman ni GL.
"So ganon, ang sakit kaya sana naman tinira mo na lang ako patalikod. Matatanggap ko pa GL." Pagrereklamo ni Crisha habang sinusuklay ang bangs niyang hanggang kalahati lamang ng kanyang noo.
"Sorry na. Naatat lang kasi akong suntukin ka. Kaya naman sa mukha mo dumiretso." Parang natutuwa pang sabi ni GL.
"E gago ka pala talaga e. Bakit naman balak mo pa akong suntukin ha?" Naiiritang tanong ni Crisha.
"Ah mali. Susuntukin ko kasi dapat yung lalaking bumabastos sayo kagabi sa bar kaso. Lasing din ako that time kaya naduling ako sa mukha mo dumiretso mukha ka kasing lalaking sorbetero sa kanto na mukhang guns"
"Anong sabi mo?!"
"Bingi ka ba?"
"Hindi. Basta pakiulit nga ng sinabi mo?!!" Umuusok ang ilong na sabi ni Crisha.
"Ang sabi ko mukha kang mamang sorbetero na nagtitinda sa kanto na mukhang guns." Pag-ulit pa ni GL sa sinabi.
"Walangya. Inulit mo pa. Gago mo talaga. Che, makaalis na nga."
"Sabi mo ulitin ko e. Hahaha sige ingat." Pagpapaalam pa ng lokong si GL saka kumaway kaway sa papalabas ng pinto na si Crisha.
Nasa isang hotel lang naman sila dahil hindi alam ni GL kung saan siya iuuwi. Pero eto ang ending sobra pa din ang hangover niya kaya naman dumiretso siya sa cr upang maglublob ng katawang amoy alak at saka naghilamos.
Hinanap niya ang bimpo at pinamunas ito sa kanyang mukha.
Nagbihis siya dahil nagising siya ng walang pangitaas. Hinanap niya kung nasaan at nakita niya ito sa ilalim ng kanyang kama.
"Huli ka puting polo." Sabi ni GL ng nakangisi mukhang sinapian ang gago. Kahawig ang adik sa kanto.
Dali dali niya ng isinuot ang polo ng may mapansin siyang kaprasong tela na nakapatong sa lampshade.
Lumapit siya dito at kinuha ang kapirasong tela na ito. Tinignan niyang mabuti at itinaas taas pa ito.
"Pakshet panty 'to ah?" Sabi ni GL habang pinagmamasdan ang kaprasong telang hawak niya.
Naalala niya ang kasama niya magdamag sa kwarto. Si Crisha, malamang sa kanya ang panty-ng ito.
"Waaaaaah. Hindi pwede 'to. Kinuha ng guns na babae na yon ang virginity kooooooooooooo" sigaw ni GL ng malakas.
"Yung virginity ko Crishaaaaaaaaaaa. Bumalik kaaa---" sigaw ni GL ngunit napahinto dahil biglang kumalampag ang pinto.
Nagulat si Crisha sa kanyang pagpasok dahil napalakas ang sipa niya sa pinto at nakita niyang hawak ni GL ang panty niya at nakataas pa ito.
Tumingin si GL sa kanya ng masama. "Buti naman at bumalik ka Crisha? Nakonsensya ka ba sa pagkuha ng virginity ko kaya bumalik ka?" Tanong ni GL habang unti unti lumalapit kay Crisha.
Iwinagayway niya ang panty ni Crisha paitaas.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan GL? Akina nga 'yang panty ko." Sabi ni Crisha saka pilit na iniaabot ang panty niya na iwinawagayway ni GL.
"Isa, sabing akina yan e." Sabi ni Crisha saka hinablot ang panty niya sa kamay ni GL.
"Wala akong kinuha GL, bumalik lang ako dahil naiwan ko yung panty ko dito. Kaya pala tumatama sa ano ko yung gitna ng pantalon ko." Sabi ni Crisha saka nagdiretso sa banyo.
"E bakit kasi hindi mo suot yang lesheng panty mo na yan?" Singhal ni GL the virgin sexy galunggong boy.
"Inalis ko kagabi sa bar ang init sa ano e." Nangingising sabi ni Crisha saka tumakbo sa loob ng banyo.
"Ho-hoy anong gagawin mo diyan?" Nagtatakang sabi ni GL habang kinakatok pa ang pinto ng CR.
"Putaragis naman GL edi isusuot ko yung panty ko. Lunayas ka nga diyan." Inis na sabi ni Crisha habang isinusuot ang panty niya.
"Sorry naman akala ko maglalabas ka ng sama ng loob diyan," sabi ni GL na kunwari pang nagtatakip ng ilong.
"Hindi ako natatae no!" Sabi ni Crisha saka lumabas ng CR dahil success na ang pagsuot niya ng kanyang panty.
"Oh ayos na ba?" Tanong ni GL.
"Oo."
"Edi alis na. Chooo." Sabi ni GL na parang nagpapalayas lang ng aso sa loob ng bahay.
Naiinis na naglakad naman paalis si Crisha.
Isinara ni GL ang pinto.
"Awww. Putang ina!" Sigaw ng babae sa labas naipit sa pintong isinara ni GL.
Agad naman itong binuksan ni GL.
"So-sorry po." Pagpapaumanhin niya rito.
"Oh heto ho ang bill niyo. Sumobra na po kayo sa 8 hours na sinabi niyo kaya may tubo." Pagpapaliwanag ng babae.
"Grabe naman kayo. Hanef yang bill niyo ang bilis tumubo samantalang yung buhok mo hindi pa tumutubo ang lakas mo ng maglumandi ah. Lumabas ka ngang bata ka at may pabill bill ka pang nalalaman. Hotel to ah hindi motel. Condo ko 'to kaya wag kang ano!" Sigaw niya sa batang bigla bigla na lang naninibgil ng bill.
"Ugh. Gwapo niyo pa naman sana kuya pero wag na lang. Hahanap na lang ako ng ibang lalandiin." Sabi nito saka lumarga ng nakapameywang. Feel na feel ang maong niyang palda at ang pink na crop top niya.
Inirapan pa nito si GL at nagflip ng hair bago isara muli ang pinto.
Napabuntong hininga na lamang si GL. At inihagis ang iniabot sa kanya kanina ng batang babae.
Nalasing siya kahapon at nalaman niya na pokpok si Crisha simula nung nawala si Gerald sa buhay niya.
At isang transgender ang napakagandang dilag na si Crisha na minahal ng todo todo ng kuya Gerald niya.
This is the kalokohan of his life. Overload sa kalokohan twist!
"Authorrrrrrr! You can't do that to me. Ang virginity koooòoooo"
Yes nakuha ni Crisha the transgender ang virginity ng gwapong nilalang na si GL.
Just kidding. This is not belong to this story. This is just a commercial or kalokohan chapter, because my mind is full of kalokohan this night so I wrote this part as a part of Conedy of this story but this is not the real twist of GL's story.
I promise, I'll post the serious update next time. But for now, tiis tiis muna sa kalokohan ng author.
By the way I will re edit this part because of having a lot of grammatical errors and scene errors hahaha XD.
Napasaya sana kayo or napangiti kahit na corny lang.
Malus_Ferox inedit ko na first sentence kasi ang green minded mo kaloka 😂😂
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...