Dear Future Girlfriend,
Isang napakasaklap na pangyayari para sa akin ang pagkasira ng cellphone ko. Sayang unli pa naman yun. Oo na last week pa nasira pero bakit ba e sa hindi nga ako makamove on sa pagkasira e. Ang sakit sakit kaya MFG. Tapos yung bago kong selfie hindi ko pa naa-upload non.
Sayang ang gwapo gwapo ko pa naman dun *pout* ang cute ng kuha ko dun e. Ang ganda ng anggulo e. Tss.
Grabe MFG ang sakit na tuloy ng ulo ko, pasensiya ka na sa picture ko ah. Yan yung time na problemado daw ako.
Ay kaya nga pala ako nagsulat dahil pakiramdam ko nahanap na kita. Kaso hindi mo man lang mapansin ang kagwapuhan ko. Parang walang talab kahit anong pagsasalubong ang maganap satin sa corridor.
Kahit nga noong binunggo kita at nalaglag ang gamit mo hindi ka man lang kumibo. Tinulungan kitang pulutin ang gamit mo pero una kong nadampot ay ang kamay mo. Grabe ang lambot, kasing lambot ng mamon. Gusto kong laging hawak ang mga kamay mo. Kaso hindi pa tayo.
Hindi ka pa sa akin.
Sa ngayon pasulyap sulyap lang muna ako. Wag ka sanang magagalit sa akin kung torpe ako. Hindi ko pa kasi sigurado ang nararamdaman ko. Kung gusto na nga ba talaga kita.
Ang tagal ko kasing mainlove e. Pero atleast seryoso akong magmahal. Papatunayan ko sayo, wag kang ano!
Litong litong littong lito,
GL
P.S. Si Mr. Lee Bag In talaga laging pahirap sa lahat ng bagay.
P.P.S. Pero kung mahihirapan man akong makuha ang matamis mong oo. Okay lang basta mapasakin ka lang MFG
BINABASA MO ANG
Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]
HumorSERIES #1 Hindi po ito boy version ng story ni ate Alesana Marie na Dear Future Boyfriend. Isa lamang po itong mumunting kwento na naisipan ng baliw na author XD. Iba po ang plot nito, and I'm sure na may makakarelate din dito. Kaya please don't jud...