SOMEONE

125 16 21
                                    

Someone's POV

"Bakit ba kasi hindi na siya katulad ng dati?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Party na bukas pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

Ang dami ng nagbago sa kanya. Hindi na siya yung dating minamahal ko.

Bakit parang ang daming nagbago? Halos mag iisang taon lang naman ang lumipas nung umalis ako?

Sinasadya niya bang wag pansinin ako? Oh nagkukunwari lang siyang hindi niya na ako maalala?

Naalala ko pa nung minsan sa klase narinig kong GL ang tawag sa kanya ng isang kasama niya.

Iyon naman kasi talaga ang palayaw niya. Pero ang pinagtataka ko lang bakit Gab Lawrence ang pangalan niya?

Nung naghiwalay ba kami pati pangalan niya kasama sa binago niya?

Hindi naman ako maaaring magkamali dahil alam na alam ko ang hitsura niya mula ulo hanggang paa.

Chineck ko pa nga sa office ang mga tungkol sa kanya. At sigurado akong siyang siya yun.

Siya yung dati kong minahal.

Siya yung hanggang ngayon minamahal ko pa din ng buong puso ko.

Kaya nga dito ako napunta sa eskwelahang ito dahil nandito siya.

Kaya nga ito ang pinili kong kurso dahil nandito siya.

Kaya nga hiniling kong kagaya ng sa kanya ang schedule ko dahil nandito siya.

Gusto kong maibalik yung dati.

Yung dating kami.

Pero bakit mukhang malabo nang mangyari?

Parang hindi ko na kayang ibalik ang dati.

Yung dati niyang pagtingin sa akin.

Yung dati niyang ngiti sa akin.

Yung dati niyang pakikitungo sa akin.

Yung dating masayang kami.

Yung dating sobrang lapit namin sa isa't isa.

Yung dating sakin lang nakatuon ang pansin niya.

Yung dating siya.

Yung dating ako lang ang mahal niya.

Nararamdaman ko na parang wala na siyang nararamdaman para sa akin.

Parang may iba na siyang hinahanap hanap?

Parang may IBA NA SIYANG MINAMAHAL.

Ganoon lang ba kadali sa kanya ang kalimutan ako?

Ang mga pinagsamahan namin?

Ganoon lang bang kadali sa kanya ang limutin ako.

Ang limutin ang dating KAMI.

Araw araw pinagmamasdan ko siya.

Namimiss ko yung dati.

Yung pinapansin niya pa ako.

Yung sobrang lapit namin sa isa't isa.

Yung sobrang lambing niya, at minsan tinotopak pa ng pagka seloso niya.

Kung dati kapag tinignan ko siya sa mata, makikipagtitigan siya sa akin.

Pero bakit ngayon umiiwas na siya?

Bakit ngayon hindi na niya ako matignan ng diretso sa mata.

Bakit ngayon parang wala lang ako sa kanya.

Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon