Kabanata 04

85 9 0
                                    



Letisha

Isang ngiting tagumpay ang nasa aking mga labi ng sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking hinahanap kanina pang umaga. Akala ko hindi ko na maisasagawa ang mga plano kong pagpaparusa sa kanyang kahangalan kahapon pero heto ako at katabi ko pa sya. Gusto ko syang sabunutan dahil kinakalaban nya pa rin ako ngayon pero dahil hindi naman ako nambubully sa ganung paraan, pinigilan ko na lang yung sarili ko. At isa pa ayokong hawakan ang makapal na parang alambre nyang buhok. Baka matinik pa ang maganda at malambot kong mga kamay.

I will just make her suffer on my own clever way. Kung nanahimik na lang sana itong Maeve na 'to at binigay na lang ang gusto ko, 'edi sana hindi humantong ang lahat sa ganito. Hindi ko sana sya papahirapan ng buong taon dito sa school. Pede naman sya mag-quit sa student council pero syempre, hindi ako papayag. Ayoko kasi sa lahat yung tinitira yung mga kaibigan ko. Kahit pa kinonvince pa ako ni Zee na huwag ko na lang patulan yung ginawa nya, hindi ko pa rin maiwasan mag-ngitngit sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Marami nang dumaan sa mapag-parusa kong mga paraan dahil na rin sa pagkamaldita ko. Lalo na yung mga estudyanteng mahilig mang-bully ng mga mahihinang nilalang dito sa school. Isa nga lang ang hindi ko kayang pabagsakin at iyon ay si Trixy Ivy Queriza, na anak ng isang negosyante na may malaking share dito sa school. Kahit anong saway ko sa kanya, wala syang pakielam at patuloy pa rin syang naghahasik ng lagim dito.

Nang matapos ang klase, hinarap ko ang bruhang nasa tabi ko at ginawaran sya ng pekeng ngiti. "Alam mo naman ang papuntang council room, diba?"

Binigyan ako ng bruha ng matalim na tingin at syempre, hindi ako nagpatinag. "Hindi ko alam kaya hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pumunta dun."

What a thick-faced girl!

Nang bigla syang tumayo sa kinauupuan nya, mabilis ko syang hinawakan sa braso para pigilan sya. Hindi ko alam pero para syang nanginig dahil sa pagkahawak ko at agad-agad na tinapon lang ang kamay ko na para bang may nakakahawa akong sakit.

"Pwede ba, wag mo akong hawakan," pag-susungit nya sa akin, dahilan para makuha ang atensyon ng mga natitirang mga estudyante sa loob ng room. Bahid sa kanilang mga mukha ang pagkagulat dahil ang lakas ng loob nyang singhalan ako. Hindi nya alam ang ginagawa nya! Hindi nya talaga ako kilala!

"Pigilan nyo ako. Baka kung ano pang magawa ko," nagtitimping saad ko sa mga kaibigan ko.

Biglang pumagitna sa amin si Zee at hinarap ang hampas-lupang kanina ko pa gustong ipa-salon at sabunutan. "Ummm, M-Maeve. Pwede ka naman uma-attend ngayon muna. Malay mo magustuhan mo dun. Sarap kaya sa feeling ng may ginagawa kang tulong sa kapwa. Or you're not a fan of charity works?"

Napatingin ang kutong-lupa kay Zee ng may pagtataka. Pero napalitan ito ng nakakalokong ngiti. "Papayag ako as long as you come with me."

"Huh? A-Ako?" tanong ni Zee at tinuro nya pa ang sarili. "Sorry, hindi ako pwede. Naka-focus ako sa volleyball team."

Napangisi ang bruha sa tinuran nya. "So you're not a fan of charity works?"

Ang kapal ng mukha! Kasing kapal ng buhok at eyeglasses nya. Siguro makapal din kilay nya, hindi lang kita dahil makapal yung bangs nya. Lahat na lang makapal sa kanya! Bakit ang lakas ng trip ng ugly duckling na'to? Kahit pa nangungusap yung mga kulay berde nyang mga mata, masyado pa rin syang nagmamaganda!

"Wag mong idamay yung kaibigan ko. This is your consequences," sabat ko at nang hihilahin ko na sana sya para sumama sa akin ay bigla naman akong pinigilan ni Zee.

"Alright, I'll come with you. Para matapos na," pagpayag ni Zee na lubos kong ikinagulat. Kahit kelan hindi ko sya nakumbinsi na sumali sa student council ever since pa nung first year. Pero wala pang isang minuto, napapayag na agad sya ng bruhang 'to. Pati si Paolo na katabi ko hindi makapaniwala.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon