Kabanata 32

54 3 0
                                    



Eris/Maeve

Kinaumagahan, paglabas ko pa lang ng kwarto ko ay sinalubong ako agad ng yakap ni Zee.

"Morning, sis! San ka galing kahapon? Late ka daw sa studio," aniya nya sabay dantay ng braso nya sa balikat ko.

"Wala. May inasikaso lang ako sa office ko," pagsisinungaling ko.

Hinila nya na ako papunta sa baba para mag-breakfast. "Magiging full-time investor ka na ba after nyo mag-disband?"

Umiling ako. "I don't think so. Kailangan ko pa tapusin ang pag-aaral ko."

Tumawa sya sa sinabi ko. "To be honest, hindi mo na kailangan yun, right? You already have your own investment company. And besides, a position is just waiting for you to lead the Reignvest."

Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. "Hindi ako interesado sa kahit anong posisyon sa Reignvest. Ikaw dapat ang mag-lead dun pagkatapos mo mag-graduate."

Kumunot yung noo nya sa sinabi ako. "Ako? Bakit ako?"

"You're the eldest between us, Zee. That's why I established my own company because Dad and I agreed that you should be the one handling the Reignvest in the future."

"Teka nga," reklamo nya habang pinigilan nya ako papuntang dining area. "Bakit hindi na lang ikaw? You're more capable and experience than me."

"Pero hindi ko kayang pagsabayin ang Reignvest at yung akin. And I think Dad wants to train you anyway after you graduate. So either you lead the Reignvest or you lead mine," aniya ko.

"Or we can merge and lead together," she suggested.

Tumango lang ako kasi wala syang kaalam alam na bilang na lang ang araw ko sa mundo. "We'll see. We can convince Dad later."

She had no other choice but to lead as the only daughter of Heinrich anyway. Dahil thirty percent ng assets ko ay nakapangalan na rin sa kanya while the fifteen percent was going to my parents. Not to mention the twelve percent na shares ko sa Reignvest.

The rest? Of course, it would be under Letisha's name. Kahit wala na ako, gusto ko syang tulungan sa mga problema nya sa company ng pamilya nya. Hindi pa nga yun sapat because she deserves everything.

And I don't deserve her.

At dahil maagang umalis sina Dad and Mom for an early meeting, kami lang dalawa ni Zee ang nag-breakfast. Tinitigan ko sya mabuti habang kumakain at mukhang masaya naman sya sa relationship nila ni Sage.

Halata naman kasi hindi na sya nag-atubiling mag-paalam sa akin nang sinundo na sya ng bandmate ko.

Hindi ko maiwasan malungkot sa sitwasyon ko ngayon. I was more than happy that my sister found her happiness but I wondered what would she feel once I'm gone. Sana hindi sya ma-depressed or something worst because I knew how protective she was of me.

At sana mapatawad nya ako kapag nalaman nya ang totoo.

......

Pagpasok ko sa campus bilang Maeve ay naglakad na ako diretso sa Business Building. Hindi na ako makapag-antay makita ang girlfriend ko dahil hindi ko sya makakasama as Eris for days. As usual, may photoshoot kami and band practice mamaya after class until midnight.

Ka-chat ko sya ngayon at kakadating lang din daw nya ng campus. Nagmasid ako sa paligid ko baka sakaling masulyapan sya pero walang katao-tao sa parking lot dahil na rin sobrang aga pa.

Nang may bigla-bigla na lang humila sakin ng malakas. At dahil hindi ko inaasahan ay hindi agad ako nakaiwas ng may lumapat na labi malapit sa gilid ng labi ko. Sa sobrang pagkagulat ay natuod ako sa kinatatayuan ako at hindi na nakapalag.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon