Kabanata 14

69 8 0
                                    


Letisha



"Buset talaga yung mga hag na yun! Dapat sa kanila ibaon sa ilalim ng lupa at ipalapa sa mga uod," Zee hissed.

Andito kami ngayon sa clinic at kakatapos nya lang gamutin ng nurse bago ito nagpunta sa kabilang clinic para asikasuhin yung mga nakaaway namin. Hindi humupa yung init ng ulo nya. Well, maski ako naman galit pa rin pero kaya ko na kontrolin. Pero itong bff ko na 'to, nanggagalaiti pa rin.

"Masyado ka ng obvious, bakla. May gusto ka ba kay Maeve? May relasyon ba kayo?" biglang tanong ni Paulo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya at parang hindi ko nagustuhan ang sinabi nya. Si Maeve at Zee? Straight si Zee as far as I know. No! Hindi pwedeng may relasyon sila ni kutong-lupa. That would be ridiculous!

Nagulat din si Zee sa tanong ni Paulo pero nakabawi din sya at humagalpak ng tawa. "Oh gosh no! Anong klaseng tanong yan, Pau?!"

"Eh bakit ganyan ka? Hindi ka naman palaaway kahit noon pa lang kasi ayaw mo madisappoint yung Mom mo sayo so bakit ka nagkakaganyan?" tanong ulit ni Paulo.

Tama si Pau. Sya pa nga yung taga-awat lagi kapag napapaaway kaming dalawa ni bakla.

Umiwas ng tingin samin si Zee. "Kasi ano... Hindi ka naman ba magagalit kung nagtapon sila ng pagkain? Sayang yung kaldereta na tinapon nila kay Maeve. Ang daming bata ang nagugutom ngayon."

I rolled my eyes. "You're obviously lying, Zee. Hindi mo kami maloloko sa mga dahilan mo. Ano ba kasing meron sa inyo?" pagpilit ko kasi naiirita na talaga ako.

"W-Wala nga kasi, Sha!" tugon nya at parang napipikon na rin sya sakin.

Huminga ako ng malalim at hindi ko na sya kinulit. Nagdecide na lang ako na intindihin sya. Siguro may mabigat syang dahilan kung bakit nya tinatago ang relasyon nilang dalawa.

Pero pano kung may malalim talaga sila na relasyon? Siguro ayaw lang nila ipaalam kasi baka nahihiya sya sa itsura ni Maeve. No! Hindi yun magagawa ni Zee. At tsaka ano naman sakin kung mag-jowa sila?

Speaking of Maeve, need ko sya kamustahin kung ayos lang ba sya.

"Kung ayaw mo sabihin, it's fine. I'll just check on Maeve. Pau, just stay here and wag mo hayaan na magwala na naman yan," sabi ko na lang at umalis na ng clinic ng hindi ko hinihintay yung sagot nila.

Paglabas ko ay nakasalubong ko si Mrs. Tuazon sa hallway.

"How's Miss Heinrich?" tanong nya agad-agad.

"Okay na po sya."

Ngumiti sya sa sagot ko. "Good. By the way, Maeve informed me that she already went home which is I understand after what she'd been through. So far naman, wala na kayo masyado gagawin sa party but to assist our special guest."

Hindi ko maiwasan malungkot sa sinabi nya.

"But I have to remind you, Miss Suarez, the dean demanded your presence sa office nya this Monday so be ready for your defense," dagdag pa ni Mrs. Tuazon.

Napangiwi ako sa tinuran nya. "But that was just a minor incident."

Parang hindi nagustuhan ni Mrs. Tuazon ang tugon ko. "That's definitely not a minor incident and you know it. Kaya ka nga sumali sa away, di'ba? We know that Maeve is constantly being bullied even before and it's time to put it to stop. Just like what happened to you, it caused us to improve our security here."

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon