Kabanata 03

99 9 0
                                    


Eris / Maeve


"Uy, ang lalim nun kapatid ah," panunukso ni Zee umagang-umaga pa lang habang kumakain kami ng breakfast. Martes ngayon at kami na lang dalawa ang nasa hapag kainan dahil pumasok na sa trabaho ang aming mga magulang.

Walang kibo akong tumingin sa kanya at hindi ko alam kung saan napupunta ang sandamukal na pagkain sa bibig nya. Siguro ganun nga talaga kapag athletic ka, hindi ka gaano tumataba kahit patay gutom ka. Zee is one of the volleyball player of the university at batay na rin sa narinig ko, sya ang ace player ng team nila. Kaya hindi malabong isa sya sa mga sikat na student doon. And that's more reason to keep a low profile. Pasikat din pala sya!

"Parang may mas mabigat ka pang problema dyan. Ang lalim ng buntong hininga mo," saad nya matapos nyang nguyain ang pagkain. Well, may manners naman sya kahit papaano.

"Yung best friend mo kasi na impakta," sumbong ko, habang pinuputol ko sa gitna ang bacon na nasa plato ko.

Kunot-noo syang napatitig sakin. "Hayaan mo na yun. Makakalimutan ka din nun dahil medyo busy yun paminsan-minsan. Pero iwas ka muna sa gulo, okay?"

Humugot pa ako ng mas malalim na hininga. "Paano ako makakaiwas kung sya mismo ang nag-text sakin na pumunta para i-meet sya sa student council room? Punishment daw nya sakin."

Muntikan ng masamid si Zee sa iniinom nyang kape. "W-What? But how?"

"Napulot nya yung student id ko. Nawala ko pala. Andun pa naman yung name ko at mobile number."

Nagkamot sya sa ulo na para bang sya ang may problema. "Ay patay, wag ka na lang pumunta kaya. Ako nang bahala sa kanya and mag-request ka na lang ng ID sa admin. Kakuntsaba mo naman yung Dean sa pagpapanggap mo, diba?"

"Paano kung ayaw nya ako tantanan?" tanong ko.

"Edi paamuhin mo."

Lalong kumunot ang noo ko. "Bakit ko naman gagawin yun? Nahihibang ka na ba?"

Nakabungingis na si Zee. "Alam mo, mabait naman yun konti kapag naging ka-close mo na sya at syempre, kapag tulog. Pero most of the time, oo, napaka-sungit nya. But in fact, fan nyo pa nga sya eh. Kaso ayaw nya aminin samin ni Paolina. Ewan ko ba kung bakit tinatago nya na idol nya yung Muse Siren kahit ilang beses ko na sya nahuhuli na pinapakinggan yung mga music nyo."

Napa-arko ang kilay ko at medyo na-offend sa nalaman. "Then she's not a true fan."

Nagkibit-balikat na lang sya. "Anyway, kelangan mo ba talaga maging bruha sa school? Lalo kang pumangit."

Iwinasiwas ko yung kamay nya nung hahawakan na nya yung mukha ko. "Wag ka na lang makielam."

"Eh yung wig mo? Balak mo bang suklayin yan paminsan-minsan. Bunso ha, masyado mong kina-career yang pagpapanggap mo. Baka sumikat ka sa school nyan."

Nagtataka akong napatingin sa kanya mula sa pagkain na nilalamon ko. "Bakit naman ako sisikat kung ganito yung nakikita nilang itsura ko? Ikaw na rin nagsabi na ang pangit ko sa getup ko."

Napa-ikot yung mata ni Zee sa tanong ko. "Baka mabully ka noh! Marami pa namang mapagmataas na tao dun sa school na akala mo kung sino. Naku talaga, baka mapa-away na lang ako bigla dahil sayo."

"Edi wag mo silang awayin, problema ba yun?"

"Sa tingin mo papayag ako mawasak pa yung pangit mong mukha?" saad nya, bago tumawa ng pagkalakas-lakas.

Maaantig na sana yung puso ko sa pagiging protective nya sakin kaso sumablay pa sya. "Excuse me, hindi naman sa pagmamayabang pero maraming nagkakandarapa sa akin."

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon