Kabanata 10

79 8 0
                                    


Letisha


Kinabukasan, nareleased na ako sa ospital dahil mga galos lang ang natamo ko kagabi. Si Mom ang nagbantay sakin at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap ng masinsinan. Sobrang natakot daw sya ng nalaman nya yung nangyari sa akin. Naniwala na sya sa sinabi ko na muntik na ako na-rape ng taong pinagkasundo nya sakin kaya sobrang sising-sisi sya.

At dahil dun, pinangako nya sakin na hindi nya na ako ipapa-arrange sa mga lalaki for the sake of our company. At sinabi ko din sa kanya na after I graduate, gagawin ko ang lahat para iligtas sa bankruptcy ang kumpanya na pinaghirapan ni Dad.

Nasa kwarto na ako ngayon at nagpapahinga. Nakatitig lang ako sa phone ko at hindi ako makapagdesisyon kung ano ang sasabihin ko kay Maeve. Gusto ko bumawi sa kanya dahil kung hindi sya dumating baka tuluyan na ako napahamak kagabi. Pero hindi ko rin nakakalimutan na magkikita din kami ni Eris bukas which reminded me na need ko rin sya kausapin at kumbinsihin na magbigay ng statement sa police station against that jerk.

Medyo masakit pa yung sikmura ko dahil dun nya ako sinuntok pero kaya ko pa naman maglakad. So I think gusto ko ituloy yung usapan namin bukas. But speaking of Maeve, ano ba dapat sabihin ko sa kanya?

Bigla ko naalala yung pagsagip nya sa akin. On how she protected me without any hesitation. On the surface, she seems rather cold and unbothered but may caring side rin pala sya. Nagkataon lang talaga na hindi kami nagkasundo nung una.

Huminga ako ng malalim at nagsimula na ako mag-type ng sasabihin kay Maeve. Pero mga ilang sandali lang, nagregister sa phone ko ang call ni Eris. Muntik ko pa mabitawan yung phone ko sa gulat at nang makabawi, sinagot ko agad yung tawag nya.

"Hello, Letisha, are we still up for tomorrow?" bungad na tanong nya sa kabilang linya.

"Umm, yes!" mabilis kong sagot. "I'll go to your condo at 2pm."

"No, I'll have Manong Anthon to fetch you from your home address. And isa pa, strict yung security ng condo so it's much better if he's with you so no one would question you. Is that okay?"

Napatango na lang ako kahit hindi nya naman ako nakikita. "That's actually much better."

"Don't worry, personal bodyguard ko si Manong Anthon for years now so he can be trusted. You know, if you feel you're not safe with strangers," dagdag pa nya na paliwanag.

"I- I trust you," medyo nahihiya na sabi ko.

I heard her laugh at my declaration which made me blush. "Good. Ibigay ko na rin number ni Manong Anthon sayo. See you tomorrow then?"

"Yeah, s-see you tomorrow."

Nang maputol ang linya, humiga ako sa kama na hawak hawak yung dibdib ko sa kaba. Eris seemed calm talking to me but I was such a nervous mess. Nakaka-intimidate at napakabigat makipag-usap sa isang popular global artist.

Maybe I was exaggerating but as far as I know, madami nang malalaking tao ang gusto sya maging ka-close. Pero isa sya sa pinakamailap na celebrity sa bansa even sa social media. Tinatawag pa nga syang the cold princess hindi lang dahil sa lamig ng boses nya, pati na rin kung paano sya makisalamuha sa iba na hindi nya masyadong kilala. Even her personal life is so mysterious and wala nakakaalam about her family. Napaka-private nyang tao sa mundo ng showbiz so it's a surpise to me na nakakachat ko sya every now and then. Kung malaman ito ng mga fans nya, baka sinugod na ako ng mga yun.

At yun na rin ang dahilan kung bakit tinago ko ang patungkol sa naging situation namin ngayon kahit sa mga bestfriends ko. I believe na it's disrespectful na ikwento ko sa kanila about how Eris saved me that night ng ganun-ganun na lang. I need her permission first before I open my mouth.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon