Kabanata 38

70 6 0
                                    

Eris Maeve

A day before the concert start.

"I swear Frey, wala kaming relasyon ni Trixy. She was just making fun of you for some reason," paliwanag ko.

Andito kami sa lounge area ng private studio namin at sa wakas ay nagkaroon na rin kami ng chance na mag-usap na kaming dalawa lang.

Freya ignored to talk about it since she had seen me with Trixy. Tuwing rehearsal tuloy ay hindi naging maganda ang dynamic namin and the other members easily have noticed it. Hindi naman kasi kami ganitong ka-awkward simula't sapul kaya halatang meron kaming tampuhan. Kaya naman ay ikinulong nila kami ngayon dito to talk things out before the concert tomorrow.

"I know. She told me the truth," Frey responded but she still looked bothered. "I'm sorry for lashing out on you. Masyado akong nagpaapekto sa nararamdaman ko."

Napangiti ako sa tugon nya sa akin. "Really? Hindi ka na galit, babe?"

"Hindi na."

Niyakap ko sya ng mahigpit at parang nagulat sya sa ginawa ko pero niyakap nya na rin ako. Miss na miss ko na kasi sya.

Nang kumalas ako ay excited akong tumingin sa kanya. "You know that I'm your bestfriend and you can tell me everything. So ano ba kasi yung nararamdaman mo?"

May nakita akong hesitation sa mata nya at napakamot sya sa batok nya na parang nahihiya. "Actually, pinag-isipan kong mabuti kung sasabihan ko ba sayo ang totoo."

"Anong totoo?"

Frey deeply sighed. "Bago ko sabihin, promise me, walang magbabago sa ating dalawa."

Tumango ako at tinaas ko pa ang kamay ko as a proof. "I promise. Walang magbabago."

Huminga ulit sya ng malalim. "The truth is... I was in love with you."

Hindi ako nakapagsalita agad at nagulat sa sinabi nya. Then she continued, even stammering, showing she's nervous.

"P-Pero dati na yun. Hindi ko alam kung paano nagsimula. B-Basta naramdaman ko na lang. Tinago ko yung feelings ko because I know it will affect our friendship and possibly our dynamics as a band."

Hindi ko alam kung dapat ba ako maguilty o ano dahil I really had no clue about her feelings for me. "Dati na yun, right? What changed then?"

"I realized that I rather have you as my bestfriend forever because I don't wanna lose you kaya hindi talaga ako umamin. Everything just changed when I met Rix. I think I like her... I mean, I romantically like her."

Hindi ko mapigilan mapangiti sa bestfriend ko dahil namumula yung mukha nya. "Wow, ano naman nakita mo sa brat na yun?"

"She's not a brat!" Frey defended causing me to be surprised. "Rix is a serious person. My wife is so smart, witty, caring, hardworking and gorgeous."

Tumaas yung kilay ko dahil mukha ngang in love sya sa brat na yun sa dami ng sinabi nya. "Kaya pala galit na galit ka sa akin nung akala mo naghahalikan kami?"

"Ugh! Yeah, I was so livid. Imagine, my lovely wife was having an affair with you, my past unrequited love. Syempre, magagalit talaga ako nun."

I giggled. "Dapat maging masaya ka pa nga, diba? Threesome could be a possibility. Aray!"

Binatukan ba naman ako ng napakalakas.

"Pinagsasabi mo! Akin lang ang asawa ko!" singhal ni Frey sakin.

Minasahe ko yung batok ko at tumawa sa itsura nya. Akala mo ay inaagawan sya ng candy. Saming lahat si Frey talaga yung madaling uminit ang ulo. Hot-headed palagi 'tong bestfriend ko na 'to. Kaya madalas sya yung may kaaway na bashers sa social media.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon