Kabanata 15

90 9 2
                                    


Letisha


Naalimpungatan ako sa malalim kong pagtulog ng may naramdaman akong lumapat sa ulo ko.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at medyo nasilaw pa ako sa liwanag na pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Pero nagising ako lalo ng may naramdaman akong nakadantay sa aking bewang.

"Good morning," isang pamilyar na boses ang nagpabalikwas sakin sa kama.

Nagulat ako ng umikot ako at nakita ang hazel-green nyang mga mata na nakatingin sakin.

"Aaahhhhhh!!" sa sobrang gulat ay napatalon ako at bigla na lang nahulog sa kama.

"Oh gosh! Are you okay, love?" narinig kong

tanong nya habang napahawak ako sa balakang ko sa sakit ng bagsak ko sa sahig.

Eris hovered above me and maingat nya ako inalalayan. Pero sa imbes na paupuin nya ako sa kama ay hinila nya ako sa kandungan nya.

Nananaginip ba ako?

"Hey, talk to me. Okay ka lang ba?"tanong nya ulit pero nakatunganga pa rin sa kanya.

"Are you r-real?" nagtatakang tanong ko na ikinangisi nya.

Then she kissed suddenly kissed me on my cheek. "Are you still dreaming, hmmm?"

Lumaki yung mata ako sa gulat at napatayo sa kandungan nya. Mabilis kong tinakpan ng kumot yung katawan ko dahil nakashort lang ako at nakatank top.

"Anong ginagawa mo dito?!" asik ko sa sobrang hiya. Damn, hindi pa nga ako nakakasuklay at nagtootoothbrush.

Napatawa naman sya sa kinilos ko. "I'm sorry, sabi kasi ng Mom mo gisingin na kita para makapag-breakfast na tayo. Di'ba sabi ko ipagpaalam muna kita bago tayo umalis."

Napasulyap ako sa wall clock sa room ko at pasado alas otso pa lang ng umaga. "Pero bakit ang aga mo?"

Tumayo sya galing sa kama at lumapit sakin. Then hinila nya ako sa bewang at niyakap. Para akong tuod na wlang nagawa bagkus ay hinayaan ko lang sya na. Parang wala akong kakayahan na gawin yun.

"Sorry, masyado ba akong maaga? Gusto mo antayin na lang kita sa baba? Don't worry, 10am pa naman tayo aalis," inosenteng sabi nya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sobrang fresh nya kaya hindi ko kinakaya. "Ahh, o-okay. Mag-aayos lang muna ako."

"Alright, love. Take your time," saad nya bago ako hinalikan sa ulo at lumabas na ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag pero sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Muntik na ako himatayin sa gulat at hiya. Shocks! Baka may muta pa ako!

Nagpunta na ako nga banyo para maligo. Inabot ako ng isang oras at pag-aayos ng sarili. Hindi ko alam kung san kami pupunta so casual dress na lang yung isinuot ko at nilugay ko lang yung buhok ko. Light makeup lang ang nilagay ko dahil hindi naman kailangan ng makapal kasi mas maganda kung natural. Nang nacheck ko na lahat ng gamit ko sa clutch bag ko ay pumunta na ako sa baba.

Narinig ko na nag-uusap ang Mom ko at si Eris sa sala habang hinahanda ng mga katulong ang breakfast namin sa mesa.

Napansin agad ako ni Eris na pababa ng hagdan at kita ko yung paglawak ng ngiti ko sa labi. Alam ko maganda ako pero dyosa din kasi sya.

"Oh, andyan ka na pala iha. Let's eat bago kayo umalis," paanyaya ni Mom na kinagulat ko.

Hindi naman kasi kami nagsasabay kumain after ng naaksidente si Dad kasi lagi na lang kami nag-aaway. Laki talaga ng pinagbago nya simula ng muntik na ako marape. And thanks to Eris, I was saved and she changed for good.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon