Simula

243 14 3
                                    



Hindi ka ba nagtataka? Na isang katangi-tanging boses lang ang gusto mo marinig araw-araw simula ng nahulog ka? Na para bang yun lamang ang bumubuhay sa buong pagkatao mo at kung mawala man sya, para kang walang sigla at patutunguhan sa mundo. At yung kirot sa puso mo lumalawak na parang apoy na hindi namamatay.

Sa buong buhay ko, minsan ko lang naramdaman ang ganitong sabik sa isang halik na hinihiling mong wala ng katapusan. Yung bawat haplos ay parang mga paru-parong dumadapo sa buong sistema ng iyong pagkakakilanlan.

May mali ba sa pagmamahal na hindi natutugunan? May problem ba sa pag-ibig na gusto mo nang palayain dahil sa sobrang bigat pero kahit anong gawin mo, hindi mo kaya? Dahil kahit ipilit man ng puso mo na kalimutan mo ang iyong nararamdaman para sa taong lubos mong minahal, kahit umalis man sya sa tabi mo at sa buhay mo, may apoy pa rin syang iniwan na unti-unting sinusunog ang iyong kaligayahan.

Gusto mong lumaya sa pagkakakulong sa isang kwento na hindi matapos-tapos. Pero ang gabi na ang gumagawa ng paraan para hatakin ang mga luha na gusto mong laging pakawalan dahil sa permanenteng sakit na nasa wasak mong puso. Madaling magmahal kung hahayaan mo lang ang sarili na sundin ang ritmo ng pag-ibig na nasimulan. Pero ang tanong, paano mo tuturuan ang sarili mo na huminto? Paano ka mabubuhay sa isang ideya na may mahal na syang iba habang ikaw ay patuloy pa rin na minamahal sya kahit sobrang sakit na?

Hindi ka ba nagtataka? Na kahit pinalaya mo na sya at hiniling mo sa langit na sana maging masaya sya, ganun pa rin yung musika ng puso mo— parang sirang plaka na paulit-ulit na kinakanta ang pangalan nya. Na kahit takpan mo pa ang iyong mga tenga, sumasabay naman ang isip mo sa pagsambit ng mga ala-alang lumipas na.

Mali bang mahalin pa sya kahit wala ka na sa puso nya? Isa bang kahangalan na namnamin ang lahat ng sakit para lang mamanhid ka na? Mali bang magpatuloy na kantahin ang isang makahulugang awit ng nag-iisa at walang kasama. Wala— walang mali sa pagmamahal na hindi naman sinusuklian. Walang mali sa pagkapit sa isang bagay na buong buhay mong inaasam. Kahit mabigat, kahit masakit at kahit hindi mo na kaya. Dahil wala ka namang magagawa kung hindi mo naman kayang kontrolin lahat ng gusto mong pigilan. Kung matuturuan mo lang sana na wag na muna magmahal, ginawa mo na simula pa lang ng pagdurusa.

Pero ang hiling ko lang, sana lahat ng ito ay may katumbas na walang hanggang saya at pagmamahal.

Dahil kung wala, isa lang ako sa mga kwento na walang magandang katapusan.

.....

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon