Kabanata 12

68 8 0
                                    


Eris/Maeve



"Bakit ba kasi ayaw mo pa tanggapin yung friendship ni Sha? Ang arte arte mo naman kasi, bunso!" reklamo ni Zee habang inuusad namin ang daan papunta sa school.

Ako ang nagmamaneho ngayon kaya saglit ko lang sya tinignan sa kanya bago ako nag-focus sa pag-drive. "I just don't like to be friends with her. Simple as that."

Kasi girlfriend ko na sya. Hahahaha!

Ramdam ko ang masamang tingin sakin ng kakambal ko. "Kung sabihin ko na kaya sa kanila na ikaw si Eris of Muse Siren?"

"Hindi mo yun gagawin," madiin na saad ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Sa kanila ko lang naman sasabihin. Nahihirapan na ako magtago na kapatid kita. Nakakahalata na sila sa mga kinikilos ko."

Kumunot yung noo ko. "Bakit kasi nagpapahalata ka?"

"Mukha lang akong artista pero hindi ako magaling umarte. Hindi ako mapagpanggap na katulad mo," she argued at tagos na tagos yun sa puso pero hindi ko pinahalata.

Huminga ako ng malalim. "I have a reason kung bakit ko 'to ginagawa. Can you just trust me, Ate?"

"Yan na naman yang Ate mo na yan! Ano ba kasi yung reason mo?" curious at naiinis na tanong nya.

Dumaan ang saglit na katahimikan sa loob ng kotse at once na nakapagpark na ako, hinarap ko si Zee na nag-aantay sya ng sagot ko.

"I just want people to treat me as I am. Not because I'm Eris, the famous artist," panimula ko bago ko pinatay ang makina ng kotse bago nagpatuloy. "I'm tired of people treating me as if I'm a goddess or something who don't make mistake. I'm tired of their different expectations of me. I'm tired of their delusions and all of their prejudices. Gusto ko muna magpahinga and enjoy the life na hindi ko pa nararanasan. Matagal tayo nagkahiwalay and gusto ko ma-experience ang pumasok sa school with you. Yung normal lang. Kahit ngayon lang, Ate, please. Pag-graduate natin, pede mo na ako ipakilala ng maayos sa mga friends mo."

Lumambot yung expression ni Zee sa mga sinabi ko bago nya ako niyakap ng mahigpit. "Sorry, bunso. Hindi ko alam na yan ang reasons mo. Akala ko nagpapanggap ka lang para magtago sa stalker mo."

"Now you know, so please. Let's keep this between us."

Zee drew away and smiled to reassure me. "I'll do my best pero pano mo ma-eexperience ang schooling with me kung lagi ka mag-isa lagi. Accept our friendship para mas maging masaya yung mga memories mo dito bago tayo gumaraduate."

Napakamot ako sa makapal kong wig. "I want to accept it pero baka makilala ako ni impakta kapag lagi tayo magkasama. Ayoko itreat nya ako katulad ni Trixy nung nalaman nya na ako si Eris."

Nag-pout si Zee sa tugon ko. "Hindi yan! I'll help you na itago yung tunay mong identity, I promise."

"Oh sige, as I've said, I'll think about it," sabi ko na lang para hindi na sya mangulit.

"Thanks, bunso," masaya nyang saad at hinalikan nya ako sa pisngi bago mabilis na lumabas ng kotse.

Hinantay ko sya mawala sa paningin ko bago ako napabuntong-hininga. If only she knew na Letisha and I are getting closer with my true identity habang nagpapanggap din ako as Maeve sa kanya. Sigurado akong magagalit sya sakin. Dahil para kong pinaglalaruan yung bestfriend nya.

Totoo na gumagawa ako ng mga songs and totoo rin yung concept about sa album. Totoo rin yung mga sinabi ko kay Zia na I didn't want people to treat me differently. Ang naging kasinungalingan ko lang ay yung nangyari nung gabi na yun at no choice ako na gumawa ng isang imahe sa katauhan ni Maeve Jean Salazar. Although I'm also being myself as Maeve but it's still a half-lie.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon