Kabanata 40

45 4 0
                                    

Letisha

4 years later.....

Apat na taon. Halos apat na taon kong pinagpaguran ang lahat ng ito. Pero sa isang iglap lang ay posibleng mawala ito na parang bula. Dahil sa isang lintek na issue ng kumpanya na kinakaharap ko ngayon ay mababago na ang lahat.

Nasa opisina ako ngayon, hawak ang isang folder na naglalaman ng pinakamahalagang kontrata na pinirmahan ko ng gipit na gipit na ako.

Nakasaad dito ang ownership deal ng LuxSuarez Incorporation na pinalitan na sa Suarez Estate Holdings dahil iba na ang nagmamay-ari nito. The Suarez only remained because according to them, our family still have a respectable reputation in the business industry which could be good to the growth of the company.

Weird excuse but that's better for me.

My father's company nearly collapsed a few months after I graduated, only to be saved by a large investment company.

The Eva Remise Investment Group, one of the biggest investment company in Asia and the current owner of the company I serve as the CEO for nearly four years.

Sila ang naging susi para ipagpatuloy ko ang smart and green real estate projects ko na naging matunog sa lahat ng mga property buyers. So far naging successful naman ang mga plano at 75% of the project development were already finished by the end of this year.

It was quite strange that they chose me as the controlling shareholder though when they had a 56% majority stake in the company while my family only had 26% and the rest were minorities. They could have easily assigned someone from their own side to be the CEO but they assigned me to do the job instead.

But then again, everything has a catch. And within this contract was my major problem I'm facing right now, which was caused by another huge problem.

"Anong balak mo?" narinig kong tanong ng babaeng nakaupo sa harap ko na syang nagbigay sakin ng financial report na nasa table ko.

Mula sa papel ay lumipat ang tingin ko kay Ate Clover na syang naging CFO ng kumpanya. Of course, sino pa ba ang pagkakatiwalaan ko sa bagay na ito kundi ang sarili kong kapamilya?

Three years ago, she suddenly came to our house and accepted me and my mother with the help of Tita Myrna. Simula noon ay naging maganda na ang relasyon naming dalawa dahil sya din ang sumuporta sa akin ng mga panahong wala na ako sa tamang pag-iisip.

And here she was, having the same dilemma with me.

Inilapag ko ang folder sa table at sumandal sa swilver chair na inuupuan ko. "Ilan ang nawala satin ngayon?"

Ate Clover sighed. "Thirty-two millions suddenly gone this month."

"And we haven't trace the main source of that big plunder? Ate, we're losing millions for months," naiiritang saad ko.

"The sources are all over the place. Kung sino man ang may pakana nito ay hindi sya nag-iisa. It's been under investigation for a while now and I think malalaman na natin kung sino talaga ang mga may sala. We just need more time," seryosong pahayag nya sa akin.

Napapikit ako sa sobrang inis. "You know that I don't have the luxury of time, right? Especially right now. It's too late already."

Saglit na nabuo ang katahimikan sa opisina ko habang hinihintay ko syang magsalita ulit.

"Is it really that bad?" sa wakas ay tanong ni Ate Clover, dahilan para buksan ko ulit ang aking mga mata.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "We're losing a lot. Of course, it's bad."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon