Kabanata 26

121 6 3
                                    

Eris/Maeve

Pagkatapos namin bumisita sa lola at lolo ko sa Nueva Ecija nung Sabado at Linggo, naging matunog na naman ang pangalan ko. Laman ako ng mga showbiz news and social media dahil may isang post na nag-viral na ako ang nilalaman at yung isang kilalang model galing sa France.

That's no other than Ophelia Rae Devereux na kasama ko lang nitong mga nakaraang araw. Of course, kasama ko din sya sa Nueva Ecija kasi pinsan ko sya. Wala lang talaga nakakaalam na we're related in blood because we're a private family. Nakablocked lahat ng info about samin because of my Dad's influence. Ginagawa nya lang naman ito para mahirapan si Hugo na makahanap ng information samin. The last thing we wanted is to involved my Mom's family because of our feud sa side nya.

Lia was the one who posted a selfie of her but I was included in the background. That sparked a rumor that we're new bff daw but few speculated that we're dating. Some of them even started to ship us which began a war between those fans and with the FreyRis fans.

It felt absurd for me kasi halos lahat na ata ng babae at lalaki na nakita nilang close sakin ay shiniship nila sakin. Okay pa sana kung iship nila ako sa mahal ko pero as if naman na papayag ako na malaman nila yun. That's a private info for now. Hindi pa mga ako nakakadiskarte sa kanya ih!

Speaking of my Letisha, since Sunday kasi, madalang na lang sya nag-rereply sa message ko. I understand naman na busy sya sa Dad nya and sa mga investors na tinawagan ko para makipag-business meeting sa kanya. At the same time, magiging busy na rin ang schedule ko dahil sa upcoming concert namin next month. So I think mabuti na rin na hayaan namin ang sarili na magfocus sa mga goal namin sa buhay. But even so, I was still missing her.

As Maeve, tatlong araw na ako hindi pumapasok sa school dahil na rin sa sunod-sunod na photoshoot ko and band practice ngayon. As if naman na I care for my grades dahil I'm on the brink of my death already.

Andito ako ngayon sa studio at inaantay yung iba kong kabandmates sa lounge area dahil may practice na kami. Umangat ang ulo ko sa ginagawa kong kanta mula sa tablet device ng may nagbukas ng pinto.

"Oh, ang aga mo naman. Wala ba kayong date nung stalker na yun?" Tori said pagkapasok pa lang nya sa loob.

Alam nya naman na magpinsan kami ni Lia but she couldn't help but to tease me.

Inirapan ko naman sya at sinamaan ko sya ng tingin. "Don't involve me with your issue with your future wife. Kausapin mo kaya sya, hindi yung ako yung pagdidiskitahan mo."

Napahalukipkip sya na umupo sa tabi ko. "Ayoko nga. Para saan pa? Babalik rin naman sya sa France at patuloy nya pa rin papakielaman yung buhay ko kahit ano pang sabihin ko sa kanya. And she's not my future wife."

I shrugged my shoulder. "That's what she's claiming though, even to our family. Kay Lolo at Lola, sa Mom ko and kay Tita Jean na rin. As in sa lahat pati sa kambing, baboy, baka at pato na andun sa farm namin sa Nueva Ecija."

"The fúçk! Napaka-delusional talaga ng gaga," hindi makapaniwalang reaksyon nya sa sinabi ko.

"Bakit kasi ayaw mo pagbigyan?" tanong ko sa kanya.

Umiwas sya ng tingin pero kita ko yung galit sa mga mata nya. "Why should I? After ng ginawa nya sakin at panggugulo nya pa rin sakin hanggang ngayon? Hindi pa nga sya sumusulpot sa harap ko kahit isang beses. Kung hindi ko pa nakita yung news sa social media, hindi ko pa malalaman na andito sya sa Pilipinas. Tell me, why should I give her a chance kung ginagago nya pa rin ako hanggang ngayon?"

Napangiwi naman ako. Gaga talaga si Lia! Hindi ko alam yung trip nun sa buhay. Kaya papalit-palit tong si Tori ng kalandian kasi lahat ng nagka-interest sa kanya are being threatened by Lia's subordinate. She's basically controlling the life of my friend here.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon