Kabanata 27

102 6 0
                                    

Eris/Maeve


Andito na kami sa Philsport Arena and kasama ko si Sage at Lia na manunuod sa laban nina Zee. Of course, as celebrities, hindi mawawala yung mga fans na gustong makipag-picture samin pero buti na lang binigyan nila kami ng privacy and space ng nakaupo na kami sa pwesto namin which was just near the volleyball court.

Hindi masyadong crowded ang arena dahil na rin nasa 3rd match pa lang sila. Hindi ito ang unang beses na nanuod ako ng volleyball kaya akala ng lahat mahilig lang talaga ako sa sport na yun pero hindi nila alam na I attended because of my sister.

As I expected, manunuod din si Letisha and Paulo na nasa tapat pa talaga namin, nasa kabilang gilid sila ng court. Nagtagpo ang mga mata namin pero sya na ang unang umiwas. Damn! Does she really hate me that much?

I miss her so bad. Para akong nawalan ng buhay knowing hindi ko sya malayang malalapitan. Pero mas umikot sa isip ko yung tanong na bakit nya na pinutol yung ugnayan namin. After that call, kahit isang paramdam wala. Ayoko naman i-message din sya dahil kailangan ko na talaga rin lumayo. Natatakot din ako sa maaring dahilan nya.

Was it really just a pretend because she is in debt? O di kaya ay tama yung sinabi sakin ni Trixy na may gusto sya sa isa kong katauhan na si Maeve?

"Bakit parang gusto mo nang humimlay dyan at wala kang kaimik-imik," tukso ni Lia na nasa kaliwa ko habang si Sage naman ay nasa kabila ko.

"Parang ikaw kasi wala yung future wife mo," balik na asik ko.

Umikot yung mata nya sa inis. "Much better. Ayokong masabunutan sa harap ng maraming tao."

"Pero ayaw mong tantanan din. Sinisira mo diskarte nya sa love life tapos hindi mo sinusulputan," I said while shaking my head.

"Babalik na naman ako sa France in three days, ayoko syang paasahin. Saka na lang kapag for good na ako dito. Para rin naman saming dalawa yung ginagawa ko. For our future," mahabang paliwanag ni Lia na ikinatawa ko.

"Baka para lang sayo. Ikaw lang naman ang delulu sa kanya," pambabara ko.

Bigla nya akong kinurot sa pisngi na ikinahiyaw ko pero bigla din naghiyawan yung mga tao sa paligid namin. Nakatutok na pala saming dalawa yung camera kaya kitang-kita kaming dalawa sa malaking screen ng arena.

Binitawan naman ako ni Lia. "Is this like kiss cam?" tanong nya tapos mabilis nya ako hinalikan sa pisngi na kanina lang ay kurot nya.

Nakapoker face lang ako na pinakinggan ang biglang lakas na hiyawan ng mga tao dahil sa ginawa nya. Napakalapastangan talaga nya! Pati ba naman dito, nagkakalat sya?!

Buti na lang inalis na ng camera man samin ung camera kasi baka mabatukan ko lang si Lia sa harap ng maraming tao. Lalo nya lang pinapalala yung mga rumors tungkol samin na wala namang katotohanan.

Lumapit naman si Sage sakin at bumulong. "Someone might get jealous but that's okay because you're so damn clueless anyway."

"Sino? Si Tori? Asan sya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Umiling si Sage at umayos na sa kinauupuan nya. Sakto naman na pag-announce ng commentator na mag-sisimula na ang laban.

Unang pumasok yung team namin at ng sinigaw ang pangalan ng kapatid ko, halos magwala lahat sa arena. Of course, she'd been the damn ace player of our university and dahil sa galing nya, two years champion na kami every season.

Angas ni Zee kapag nasa court. Para syang ibang tao. Actually, halimaw sya maglaro kaya takot na takot sya na masuspend sa game kasi last season nya na ngayong year. Takot na takot din yung kalaban nya sa bawat palo nya. Patay gutom ba naman kaya sobrang lakas!

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon