Kabanata 28

97 6 0
                                    


Letisha

Sobrang saya kong tinanggap ang halik ng taong nasa harap ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal din ako ni Eris. Nang una ay nagulat ako ng sinabi nya ang mga salitang akala ko sa panaginip ko lang maririnig. Pero nakita ko ang senseridad sa mga mata nya ng sinabi nya na mahal nya rin ako.

Mahigpit ko syang niyakap at tumugon sa labi nyang banayad lang at hindi nagmamadali. Miss na miss ko nang halikan sya ngunit may bigla akong naalala.

Kaya naman mabilis ko syang tinulak at napalakas 'ata dahil napaupo sya sa couch na gulat na gulat.

"W-Why? What's wrong?" puno ng pagtataka na tanong nya sa akin.

Napahalukipkip ako at malditang tumingin sa kanya. "Mahal mo ako? But that doesn't explain why you're dating that girl and why she's almost naked in your condo!"

Umawang yung bibig nya saglit bago sya napatawa. Sinamaan ko lalo sya ng tingin pero hinila nya ako sa bewang at pinaupo sa kandungan nya.

"I'm gonna ask you first. Why would you think that we're dating to the point you pushed me towards her, hmmm?"

Kumunot yung noo ko sa tanong nya. "So you're not dating her?"

"No, but before I explain, I want to know why you think we were," giit nya pagkatapos ay malambing nyang hinalikan yung pisngi ko. "Are you jealous?"

Tumango ako dahil hindi ko na talaga kaya itago yung feelings ko. "Oo, nagseselos ako. Sino ba namang hindi? Kilalang model si Lia and sobrang ganda nya. Wala akong kalaban laban sa kanya kung tutuusin."

"That's why you broke up with me and pushed me away?" sunod na tanong nya.

I shyly nodded. "Not entirely. It just hurts me to stay in a relationship kahit temporary lang yun, knowing you wouldn't love me the same. Ang hirap magkunwari na hindi ako nasasaktan kapag kasama mo sya."

Eris sighed, then she looked deeply into my eyes. "I felt the same that's why I let you go. I thought that my feelings for you is one-sided. But believe me when I say that for me, you're the most beautiful girl I've ever seen. I've been in entertainment industry for years pero sayo lang talaga ako nainlove. So don't ever feel insecure and compare yourself to everyone. Because you're the only one I want. I love you, Letisha."

Nag-init ang mukha ko sa pahayag nya at niyakap sya ng mahigpit. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko at tumugon sa kanya, "I love you, too. And sayo lang ako basta sakin ka lang din."

Natawa sya. "Of course, I'm only yours."

Umatras ako kaunti dahil hindi nya pa rin sinasagot yung tanong ko. "Pero bakit nga nasa condo mo sya? I thought you don't allow anyone to stay there except for your family."

"Exactly, only important people are allowed there. Importante din naman sakin si Lia but not in a way you were thinking."

"So ano sya sa buhay mo?" kulit ko sa kanya.

"Well, do you remember when I said that we visited our grandparent's in their farm. It's because Lia is also a family to me. She's literally my cousin," sa wakas ay sagot nya na kinagulat ko.

Shít! Ang tanga ko lang! Bakit ko hindi naisip yun?

"Pinsan mo pala," nahihiyang turan ko.

Eris giggled in amusement and caressed me closer to her body. "That's why don't get jealous anymore. Iba trip ng gaga na yun," pagkumbinsi nya sa akin at lalo ako nahiya dahil sa katangahan ko.

"Kung pinsan mo pala sya bakit hindi mo agad sinabi sakin kahapon nung nasa comfort room tayo?" tanong ko naman.

"Because I was so disappointed. Pinamimigay mo ako sa iba," saad nya at kita ko yung tampo sa ekspresyon ng mukha nya.

Clause Twenty-Three | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon