Kabanata 8 - The hot chocolate had long been forgotten.

178 12 5
                                    

Recently, I found out that Cerise didn't really visit her mom at school and spent most of her time at home. Subalit noong nakumpirma niya na I was indeed a student of her mom, labas-pasok na siya sa school namin. Masyadong napapadalas na ang pagbisita niya sa opisina ni Professor Gil, at sa tuwing bumibisita siya, tinatawagan niya ako at pinapapunta sa office. Frankly, I spent more time with them than I did with my friends, who have busy schedules.

Naging mas malapit na rin kami ni Professor Gil sa isa't isa. Araw-araw, may bago akong natututunan tungkol sa kaniya. Sa loob ng classroom, aloof at pormal siya, ngunit sa labas ng school ay playful siya at mapang-asar. Surprisingly though, she was understandably affectionate and moody as hell. She had tons of personality and characteristics, seriously.

Friday ngayon at may pasok kami sa isang subject na tatagal ng tatlong oras, but our class isn't until 1:30 p.m.. Nakahiga pa ako sa kama ko dahil dinadalaw ako ng katamaran ko. Hindi rin nakakatulong ang weather ngayon dahil malakas ang ulan. May papasok na bagyo at sa kasamaang palad ay maaapektuhan ang area namin. Kanina pa ako naghihintay ng announcement kung may pasok ba o wala. Wala pang advisory so far.

Labag man sa loob kong umalis sa bed, wala akong ibang choice kundi umahon dito. Hindi ako maaaring umabsent kasi isang beses lang sa isang linggo ang pasok namin sa subject na 'to at maaaring maraming mangyari sa tatlong oras na wala ako sa klase. Hindi pa naman uso sa mga guro namin ang magbigay ng remedial at make-up classes.

I must attend my class.




"Class, listen up! I'll dismiss you early today because the weather isn't good. Once you step outside this classroom, you must go home straight and not go outside unless the weather is clear. It's for your own safety."

The whole class was filled with cheers and murmurs. Natuwa rin ako kasi kahit papaano ay concern sa amin ang professor namin.

Hindi nagtagal ay nagsilabasan na kaming lahat. Marami kaming na-stuck sa ground floor at naghihintay na humina o humupa ang ulan. Nag-iisip ako ng paraan kung paano makakauwi nang hindi mababasa, gayong walang balak tumigil ang langit sa pag-iyak.

Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang administration building kung saan naroroon ang office ni Professor Gil. Manghiram kaya ako ng payong kay professor? Naalala kong may payong siya sa opisina niya. She had a car, so she wouldn't likely use the umbrella. Gusto ko na rin kasi talagang umuwi.



To: Professor Gil

Hello, Professor Gil. I'd like to ask if you are in your office right now.



Props to myself for starting to learn to type proper sentences in texting her. Naghintay ako for a moment, then I received a reply from her.



Professor Gil: If you want to know whether Cerise's here, she's not with me right now.

Me: ay haha no professor nde po si cerise yung pakay ko kundi kayo po.



Sent.

Sinapo ko ang noo ko nang marealize ang typing ko. I was so used to writing lowercase and keyboard smashes, so I guess I would need a lot of practice before I could use proper capitalization and punctuation in text messages.

Love PersistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon