Kabanata 37 - To be cared for is to emit love in equal measure.

95 7 1
                                    

Nagpapasalamat talaga ako na I set my alarm five times: at 4:00, 4:10, 4:15, 4:20, and 4:30 AM. Because if I had only set my alarm for 4:00, I would still be fast asleep kasi nagising ako only at the last alarm. I would have missed the bus because our call time was at 5:30 and I still needed to prepare.

Paglabas ko ng bahay, I left a message to Mama, informing her na papunta na ako sa university. Alam na niya ang ganap ngayon kasi pinaalam ko na sa kaniya noong weekend pa at nagpadala siya ng pera sa akin kahit na I told her na cover na ng school ang mga gastusin namin kasi nagbayad naman kami ng 1500 pesos para sa congress, ngunit pinadalhan niya pa rin ako ng pocket money and para na rin may magastos ako in case of emergency.

Hindi naman kami magtatagal doon kasi dalawang araw at isang gabi lang kami roon. Ngunit para sa amin, tinuturing namin itong short break kasi ngayon lang kami makakalabas ng university without worrying about school requirements. A whole two days off from university, which means wala sa amin ngayon ang magpupuyat, magkakape, at kakain ng instant noodles. The normal life of a college student: where sleep is optional, caffeine is essential, and Pancit Canton noodles become a gourmet meal.

"Good morning," bati ni Ibo pagkababa ko ng tricycle. Without wasting time, he swiftly took hold of my belongings as I was in the process of settling the payment with the driver.

After ko bayaran si manong driver ay dumeritso na kami sa bus ng major namin.

"Nandito na si Heidi?" I asked.

"Yes, kararating lang din niya. By the way, we already saved you a seat."

"Magkakatabi tayo?"

"Oo naman. 'Buti nga pangtatluhan 'yong layout ng seats, e."

"Please, for the love of all that is good, don't tell me I'll be stuck in the aisle seat."

He whistled and flashed me a teasing smile. "Of course, kasi ikaw ang huling dumating sa'ting tatlo."

I sighed in defeat. "I knew it."

Turned out, si Heidi ang nakapili ng window seat, and I was supposed to seat sa aisle seat pero pinakiusapan ko si Ibo kung maaari siya na lang doon and he accepted naman. Pagkatapos kong i-place ang belongings ko sa overhead bin, nagsimula na kami ni Ibo sa pagmonitor ng mga kaklase namin. Nakahabol din ang dalawang supervisors na sasabay sa bus namin, medyo disappointed ako kasi hindi si Professor Gil.

Nang masettle na ang lahat, exactly at 6:30 ay nagline-up na mga busses at nasa ikatlong bus kami. Umupo na kami ni Ibo nang masiguradong walang naiwan sa mga kaklase namin. Mayroong AC at slow music ang bus kaya siguro naman makakarelax kami ng maayos habang nasa biyahe.

Joke's on me. Isang oras pa lang sa biyahe ay biglang huminto ang bus namin sa tabi ng highway, and it was already 7 a.m. kaya mainit na, tapos pinatay pa ang AC kasi may aayusin daw saglit. However, the "saglit" in question ay nagtagal ng 30 minutes. Ang dalawang guro na kasama namin ay bumaba na ng bus para tingnan kung ano ang kinukumpuni ng driver at conductor. Pinaalam sa amin na mayroong problema sa brake ng bus kaya aayusin muna nila para iwas disgrasya. Hanep nga, e, alam naman nila na gagamitin ang bus ngayong araw bakit ngayon lang nila nalaman na may problema. Hindi ba sila nagsagawa ng maintenance check bago ang araw na ito?

Heidi was starting to get annoyed na kasi she was sitting on the window seat, tapos ang iba naming mga kaklase ay todo sa paggawa ng ingay kaya dagdag sa init na nae-experience namin.

"Oh, look, si Professor Gil," biglang sambit ni Heidi kaya napasilip kami ni Ibo sa bintana.

Professor Gil was talking to the two teachers. We couldn't hear their voices but I could tell na they were talking about sa issue ng bus.

Love PersistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon