Kabanata 7 - Suspended in the delicate balance of a hair's breadth apart.

1.8K 83 12
                                    

Nitong nakaraang mga araw ay sobrang hectic para sa amin. Ikaw ba naman binigyan ng school requirements at kinakailangang sikapin na tapusin bago ang mga nakatakdang deadline. Not to mention our midterm exams and the university intramurals were also fast approaching.

I was again reminded why we were at the university, waiting for our other classmates to arrive. Magkikita-kita kami ngayon para magrehearse sa gagawin naming short film as our major output.

Papunta na kami ni Heidi sa department namin nang makita namin si Noe sa field kaya huminto kami saglit para kumustahin ang loka-loka ngunit hindi ko akalain na 30 minutes pala kaming ma-stranded. Good thing, bago pa man humaba lalo ang usapan namin, nagsilbato ang coach nila, senyales na magreresume na 'yong training.

Walang ibang nagawa si Noe kundi ang bumalik sa training nila. Nagpaalam na rin kami ni Heidi dahil nagchat na sa amin si Ibo, sinasabing nandoon na sila sa meeting place.




Katatapos lang ng rehearsal namin at grabe, nakakaubos ng energy. Kani-kanina lang naisipan kong umuwi sa bahay, subalit naisip ko kung uuwi ako, babalik ulit ako mamayang 5 p.m. para pumasok ulit sa afternoon class ko. Bukod pa riyan, ayaw kong magbisikleta sa nakakasunog na init ng araw.

Bigla namang tumunog ang phone na hawak ko kaya chineck ko ang notification at nag-appear ang text message galing kay Professor Gil.



From: Professor Gil

Are you busy right now? Come to my office when you have spare time.



Kumunot ang noo ko sa nababasa ko. Samot-saring mga palagay ang pumapasok sa isip ko. We haven't had a conversation outside the classroom since the night after we went to the arcade.



To: Professor Gil

as in now na po? why?



10 minutes passed, and I didn't receive a reply from her. That was how I ended up in front of her office. Kinakabahan ako, but I forced myself to knock.

"I think it's sissy! I'll open the door for her."

Parang kilala ko ang boses na 'yon.

Hindi ako nagkamali sa iniisip ko dahil pagbukas ng pinto ay si Cerise ang bumungad sa akin. Muntik akong ma-out of balance dahil bigla niyang hinagis ang sarili sa akin. Hinawakan ko siya sa mga kilikili niya at saka kinarga ng maayos nang sa gano'n ay hindi siya mahulog.

Ilang sandali pa ay lumitaw si Professor Gil sa pintuan. Saglit nagtama ang mga mata namin at saka sumandal siya sa pinto.

"Come on. Get inside."

My mouth hung open. "Ayos lang sa'yo, professor?"

"I didn't request your presence just for you to remain outside."

She opened the door further. Hindi na ako sumagot, kundi ginawa ko na lang ang sinabi niya. She closed the door as soon as we entered the place.

Ang ganda ng loob ng office. Kaunti lang ang mga kagamitan at malinis tingnan. I noticed the sofa, smart TV, bookshelf, desk and storage unit properly arranged in the room.

Love PersistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon