Supposedly, nasa bahay ako ngayon nagrereview para sa exam next week but instead of reviewer ang hawak ko, can ng Cali ang nasa kamay ko. Ikee was the one who personally invited me to come here. But technically speaking, si Noe ang nagkaladkad sa akin. Siya rin ang nagpaalam kay Mama at napapayag niya basta mag-iingat lang daw kami at huwag masyadong magpapagabi.
Surprisingly, hindi maingay at magulo ang bar. Nakaupo lang ang mga tao habang may kanya-kanyang ginagawa sa mga table nila. Most of them were casually talking while drinking beers.
"Good evening, everybody!"
Lahat ng atensyon namin ay napunta sa babaeng nasa gitna ng stage. Ito siguro 'yong babae na tinutukoy nilang vocalist ng banda. Nakaaliw kasi mag-isa lang siyang babae sa banda. Unti-unting umingay ang mga tao lalo na ang dalawang tao nasa likuran ko, na kanina ko pa naririnig ang pag-uusap nila.
"Akala ko hindi na naman matutuloy si Scylla kasi 'lagi na lang niya nirereject ang invitation natin."
"Ano pa nga ba ang inaasahan mo sa napaka-busy nating friend? Alam naman natin kung gaano 'yon kaseryoso pagdating sa trabaho niya."
Hindi ko na sana papansinin ang dalawa dahil nagsisimula ng tumugtog ang banda nang bigla akong makarinig ng pamilyar na boses ng babae.
"I can't believe y'all dragged me into this place!"
I immediately recognized that unique deep, velvety voice, despite the fact that the musical instruments were starting to make a sound. Hindi ako nagkakamali na boses 'yon ni Professor Gil.
"Kanina pa namin kayo hinihintay dito. Come, join us."
"I knew it, you are the one who planned this. You really sent Simeon to get me even though I already told you that I couldn't come."
"Daming hanash, you came anyway. Sit here."
"What are we doing here in the first place?"
"Well? What else does a person do when they are at a bar?"
Pasimple akong lumingon sa likuran namin at muntik na akong mahulog sa inuupan ko nang makumpirma kong si Professor Gil nga 'yong kararating lang na babae. May kasama siyang lalaki at super familiar sa akin ang mukha.
"Si Mr. Amores ba 'yan?" Ibo was referring to the guy na tinawag ni Professor Gil na 'Simeon'.
"Yes, that's our Dean," sagot ni Heidi.
Noe hummed. "I'm not sure if you are familiar with the two na kasama nila, but that girl over there is Professor Loraine and the other one is Professor Luigi, they're professors in our department." Pagtukoy ni Noe sa dalawa na kanina lang ay walang tigil sa pag-uusap.
"I see. I didn't know that our Dean is close to Professor Gil," Ibo said.
"If I remember correctly, this is the first time I saw her with the three. Usually kasi silang tatlo lang ang namamataan ko dito."
"It's not their first time here?" tanong ko.
"Nope. Ang members ng band ay students nila Professor Rain at Professor Luigi. That's why whenever may gig ang banda they always get a free ticket from them. 'Tsaka kapatid rin ni Professor Rain si Lorelei, ang vocalist ng banda, so don't be surprised anymore kung makikita mo sila sa audience ng banda."
That explained why.
Pagkatapos magperform ng banda, isa-isa na silang bumaba. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid, including us. Ang gagaling nila lalo na 'yong vocalist, ang ganda ng boses niya. Masyado akong nag-enjoy sa pinakita nilang performance at saka ang gaganda rin ng choices nila pagdating sa kanta kasi karamihan ay alam 'yong mga kanta.
BINABASA MO ANG
Love Persist
RomanceAs the summer heat left and the monsoon season began, a new academic year was in full swing. Para kay Heaven, na isang college student, this meant another year of burying herself in academic pursuits. Despite her energetic personality and carefree a...